CBCP, hinimok ang mga kabataan na gawing makabuluhan ang bakasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 946 total views

Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kabataan na gamitin ng mahusay at makabuluhan ang mahabang bakasyon.

Ito ay kaugnay sa kautusan ng Department of Education na magsisimula ang ‘Christmas break’ ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa ika-15 ng Disyembre.

Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, maganda ang hangarin ng kagawaran subalit hamon pa rin sa mga pamilya ang makapagtipon lalu’t karaniwang may mga trabaho ang mga magulang.

“I think, kung nandiyan din ang family, spend time with your family it’s an opportune time. Kasi mahalaga na maayos ang family natin. Sabi nga ‘no amount of success can compensate failure in the home’ kaya mahalaga magmake-up kung sa relationship natin, reconciliation. Kung wala ang mga magulang puwedeng you spend time to clean the house. Mga bagay na ginagawa ng Nanay at Tatay, you do it yourself,” ayon pa kay Bishop Mallari.

Pinayuhan ng Obispo ang mga kabataan na gawing kapaki-pakinabang ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pagtulong sa gawaing bahay, pakikisalamuha sa mga kaibigan, at pagkakataon din na makibahagi sa mga gawain sa kanilang parokya.

Sinabi ng Obispo na tamang-tama na makibahagi sa simbahan ang mga kabataan lalu’t ipinagdiriwang ng Pilipinas ang ‘Year of the Youth’ bilang bahagi ng paghahanda ng simbahan sa ika-500 ng Kristiyanismo sa bansa.

“So sana, magkaroon sila ng panahon sa pagsisimba, pagdarasal. Develop relationship with the Lord. And then makisama sa mga kabataan, lalu na ‘Year of the Youth’ ngayon yung sana naman maki-pag-ugnayan sa kabataan sa parokya. Be active in your parishes, maging active sa buhay pananampalataya,” ayon kay Bishop Mallari.

Base sa tala ng DepEd, may 30 milyon ang bilang ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang senior high school.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 44,740 total views

 44,740 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 40,609 total views

 40,609 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 76,811 total views

 76,811 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 85,577 total views

 85,577 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 111,092 total views

 111,092 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top