Mga biktima ng pagpaslang sa war on drugs ng pamahalaan, hinimok na lumantad at manindigan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 568 total reads

Hinihikayat ng pamilya ni Kian Delos Santos ang iba pang mga biktima ng pagpaslang na iniuugnay sa ilegal na droga na manindigan para ang karapatan at katarungan ng kanilang napatay na kaanak.

Ayon kay Randy Delos Santos-tagapagsalita ng pamilya Delos Santos, hindi hadlang ang kakapusan ng salapi dahil maraming mga institusyon ang handang tumulong para makamit ang katarungan.

“Naumpisahan na po yung kaso ng aking pamangkin na si Kian, sana po manindigan din sila, lumabas. May mga grupo mga institusyon na handang tumulong. Kagaya po namin wala naman kaming kakayahang pera para lumaban sa kaso na ito. Pero nariyan ang ilang grupo na handang tumulong sa bawat biktima,” ayon kay delos santos

Sinabi pa ni Delos Santos na abot-abot ang kanilang panalangin sa magiging resulta ng kaso upang makamit ang katarungan sa pagkamatay ng kaniyang pamangkin.

“Patuloy po akong nanalangin sa Panginoon na sana po ay bigyan nya ng linaw ng kaisipan ng ating mabuting hukom upang makapagdesisyon sya kung ano ang tama,” ayon kay Randy ang nakababatang kapatid ni Saldy–ama ni Kian.

Nagpapasalamat din ang pamilya Delos Santos sa tulong at gabay ng simbahan para mapanatili ang kanilang lakas ng loob sa pagsubok sa kanilang pamilya at pag-asam para sa katarungan.

Kabilang sa pinasalamatan ng pamilya sina Kalookan Bishop Pablo Virgilio, Fr. Flavie Villanueva SVD, mga madre, pari at ilang pang non-government agencies na tumulong para sa kaso ni Kian.

Sa kasalukuyan ayon kay Delos Santos ay bahagi na rin siya sa pagtulong sa iba pang biktima ng pagpatay sa pamamagitan ng pagbibigay ng counseling at pagbabahagi ng naging karanasan ng pamilya sa pagpaslang kay Kian ng mga pulis Kalookan noong Agosto 2017.

Sa desisyong inilabas ng Caloocan Regional Trial Court branch 125, napatunayan ng hukuman na nagkasala ang mga pulis na sina Arnel Oares, Jeremias Pereda at Jerwin Cruz sa pagpatay kay Delos Santos at pinatawan ng parusang ‘reclusion perpetua’ o habang buhay na pagkakulong.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 26,928 total reads

 26,928 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 135,042 total reads

 135,042 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 179,712 total reads

 179,712 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 201,918 total reads

 201,918 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 237,647 total reads

 237,647 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top