CBCP, hinimok ang mga kabataan na gawing makabuluhan ang bakasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,161 total reads

Hinikayat ng isang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang kabataan na gamitin ng mahusay at makabuluhan ang mahabang bakasyon.

Ito ay kaugnay sa kautusan ng Department of Education na magsisimula ang ‘Christmas break’ ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan sa ika-15 ng Disyembre.

Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, maganda ang hangarin ng kagawaran subalit hamon pa rin sa mga pamilya ang makapagtipon lalu’t karaniwang may mga trabaho ang mga magulang.

“I think, kung nandiyan din ang family, spend time with your family it’s an opportune time. Kasi mahalaga na maayos ang family natin. Sabi nga ‘no amount of success can compensate failure in the home’ kaya mahalaga magmake-up kung sa relationship natin, reconciliation. Kung wala ang mga magulang puwedeng you spend time to clean the house. Mga bagay na ginagawa ng Nanay at Tatay, you do it yourself,” ayon pa kay Bishop Mallari.

Pinayuhan ng Obispo ang mga kabataan na gawing kapaki-pakinabang ang kanilang bakasyon sa pamamagitan ng pagtulong sa gawaing bahay, pakikisalamuha sa mga kaibigan, at pagkakataon din na makibahagi sa mga gawain sa kanilang parokya.

Sinabi ng Obispo na tamang-tama na makibahagi sa simbahan ang mga kabataan lalu’t ipinagdiriwang ng Pilipinas ang ‘Year of the Youth’ bilang bahagi ng paghahanda ng simbahan sa ika-500 ng Kristiyanismo sa bansa.

“So sana, magkaroon sila ng panahon sa pagsisimba, pagdarasal. Develop relationship with the Lord. And then makisama sa mga kabataan, lalu na ‘Year of the Youth’ ngayon yung sana naman maki-pag-ugnayan sa kabataan sa parokya. Be active in your parishes, maging active sa buhay pananampalataya,” ayon kay Bishop Mallari.

Base sa tala ng DepEd, may 30 milyon ang bilang ng mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula elementarya hanggang senior high school.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,826 total reads

 126,826 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,267 total reads

 170,267 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,023 total reads

 220,023 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,219 total reads

 379,219 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,561 total reads

 400,561 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top