Kapayapaan, makakamit sa pananalangin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 545 total reads

Tanging ang Diyos lamang ang makapagbibigay ng tunay na kapayapaan sa bawat isa.

Ito ang binigyang diin ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle para sa pagsisimula ng panibagong taong 2019.

Paliwanag ng Kardinal, bagamat ginugunita tuwing unang araw ng bagong taon ang Araw ng Pandaigdigang Panalangin para sa Kapayapaan ay hindi naman ito dapat na matapos lamang sa loob ng isang araw.

Giit ni Cardinal Tagle, magkakaroon lamang ng kapayapaan kung idadaan ito sa panalangin sapagkat ang kapayapaan ay regalo ng Diyos.

“Ang kapayapaan una sa lahat ay regalo ng Diyos, ang tunay na kapayapaan ay magmumula laman sa Diyos lalo na sa kanyang anak na isinilang bilang Prinsipe ng Kapayapaan, walang tunay na kapayapaan na maibibigay ng tao, ng business, ng mundo ang nakapagbibigay lamang niyan ay ang Diyos…” bahagi ng homiliya ng Kanyang Kabunyian.

Pagbabahagi ng Cardinal, walang tunay na kapayapaan na matatamo mula sa tao, negosyo o sa mundo dahil ang makapagbibigay lamang nito ay ang Diyos sa pamamagitan ng bendisyon.

Dahil dito, nilinaw ng Kanyang Kabunyian na kung walang pananampalataya at panalangin ay wala ring kapayapaan na manggagaling sa Diyos.

“Kung walang dasal, walang tunay na kapayapaan lalo na kapayapaan ng kalooban hindi lang yung kapayapaang panlabas, ang kapayapaan na naranasan ni Maria bunga ng pananampalataya at panalangin ay ang kapayapaan na galing sa Diyos…” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Umaapela rin ang Cardinal sa bawat pamilyang Filipino na muling ibalik ang kultura ng pagdarasal habang inanyayahan ang mga may gadgets o smart phones tulad ng mga kabataan na mas dagdagan ang mga Prayer Apps o applications sa mobile phones.

“No peace will come without prayer. Sa mga pamilya ibalik ang dasal, yung mga may cellphone at mga apps dagdagan ang mga prayer apps kesa sa kung anu-ano ang binabasa dasal, habang ikaw ay naglalakbay kung anu-ano ang pinakikinggan mo, pakinggan mo ang mga dasal, pakinggan mo ang mga sacred music manalangin ka tulad ni Maria…” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Samantala kasabay rin ng unang araw ng bagong taon kung kailan ginugunita ang World Day of Prayer for Peace ay ang Solemnity of Mary, the Holy Mother of God o ang Dakilang Kapistahan ni Maria Ina ng Diyos.

Ayon kay Cardinal Tagle, tulad ng Mahal na Birheng Maria mahalagang magabayan at maturuan ng mga Ina ng tahanan ang kanilang buong pamilya na manalangin.

“Ang mga Ina experts sa prayer, ang mga Ina nakakatagpo ng kapayapaan dahil sa panalangin ganyan si Maria, Ina ng Diyos so mga nanay turuan niyo ang mga anak niyo na manalangin…” apela ni Cardinal Tagle.

Hinikayat din ng Cardinal ang bawat isa na matutong maging mapagkalinga hindi lamang para sa kapakanan ng kapwa at mga nangangailangan kundi maging para sa kalikasan, kapaligiran at para sa buong daigdig.

Samantala tema naman ng 52nd World Day of Peace 2019 ngayong taon ang “Good Politics is at the Service of Peace” kung saan unang binigyang diin ni Pope Francis na malaking ang papel na ginagampanan ng mga opisyal ng pamahalaan sa pagkamit ng pangkabuuang kapayapaan sa buong daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 64,567 total reads

 64,567 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 151,065 total reads

 151,065 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 194,100 total reads

 194,100 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 243,860 total reads

 243,860 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 401,955 total reads

 401,955 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top