Pagiging church of the poor ng Simbahan, legacy ni Bishop Labayen

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 821 total reads

Malaki ang naging ambag ni Prelatura ng Infanta Bishop Emeritus Julio Xavier Labayen, OCD sa pagpapatatag ng adbokasiya ng Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagtulong sa mga mamahihirap.

Ito ang ibinahagi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity sa pagpanaw ng 90-taong gulang na Obispo ng Infanta, Quezon.

Inihayag ni Bishop Pabillo na ang pagiging “Church of the Poor” ng Simbahan sa Pilipinas ang naging pangunahing adbokasiyang isinulong ni Bishop Labayen magmula pa noong 1970’s na tuluyang tinanggap ng buong Simbahan noong PCP2.

Bukod dito, si Bishop Labayen rin ang naging utak at nagpasimula ng NASSA o National Secretariat for Social Action ng Catholic Bishops Conference of the Philippines at nagbuklod sa dating hiwa-hiwalay na ministeryo ng Simbahang Katolika.

“Nalulungkot po tayo sa pagpanaw ni Bishop Labayen kasi siya po ay may malaking papel na ginawa sa Simbahan natin sa Pilipinas. Ang malaking ambag niya po siya po yung talagang nagtulak sa maraming taon yung pagiging Church of the Poor at yan po ay tinanggap naman ng buong Simbahan noong PCP2 pero simula pa 1970s siya po ang nagtulak nun. At dahil po dyan sa kanyang adbokasiyang yan siya rin po yung naging Head ng NASSA ng Social Action at dyan po nagsimula yung NASSA natin ngayon na sa buong bansa noon kasi hiwahiwalay ngayon sama sama na sila. Kaya nga ipagdasal natin na sana ang kanyang trabaho ay maipagpatuloy…” pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas

Tiwala si Bishop Pabillo na maipagpapatuloy ng mga susunod pang henerasyon ang sinimulang adbokasiya ni Bishop Labayen na mahigit 40 taon nitong paglilingkod sa Prelatura ng Infanta, Quezon bago nagretiro noong July 24, 2001.

Isinilang sa Talisay, Negros Occidental noong Hulyo 23, 1926 at binawian ito ng buhay noong Miyerkules ganap na alas-6:52 ng umaga sa edad na 90-taong gulang.

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 20,368 total reads

 20,368 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 77,802 total reads

 77,802 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 111,135 total reads

 111,135 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 143,279 total reads

 143,279 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 209,338 total reads

 209,338 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 223,609 total reads

 223,609 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

2-araw na tigil-pasada, ikakasa ng PISTON

 20,369 total reads

 20,369 total reads Maglulunsad ang transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) ng dalawang araw na tigil-pasada sa Setyembre 29

Read More »
Scroll to Top