Isa pang obispo, nag-alay ng panalangin para sa mapayapang halalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Nag-alay ng panalangin si Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo para sa ikatatagumpay ng nalalapit na national and local elections, anim araw na lamang ang nalalabi.
Ayon sa Obispo, nawa ay tulungan ng Panginoon ang bawat botante upang maihalal ang kandidatong makaDiyos, makatao, makabayan at makakalikasan.

Kaugnay nito, hiniling ni Bishop Arigo na dapat maalala ng bawat botante na ang pagboto ay hindi lamang pribilehiyo, kundi ito ay may kaakibat na responsibilidad para sa hinaharap ng bansa.

“Liwanagan n’yo po ang aming mga botante na marunong kumilatis at pumili ng mamumuno sa aming bayan na hindi sila pumili ng mga kurap, mga trapo na ang hangarin ay hindi ang kapakanan kundi ang kaban ng bayan. Turuan mo silang pumili ng mga kandidatong makaDiyos, makatao, makabayan at makakalikasan, at nawa’y wag silang magpadala sa tukso ng pera na magbenta sila ng boto.” Bahagi ng panalangin ni Bishop Arigo.

Ipinanalangin din ni bp Arigo, ang mga opisyal ng Commission on Elections, mga pulis at mga guro upang maging tapat ito sa kanilang tungkulin sa bayan at maihayag ang malinis at makatotohanang resulta ng halalan. Bukod dito, hiniling din ng Obispo na gabayan ng Panginoon ang bawat kandidato na ilayo ito sa tukso ng paggamit ng dahas, o anu mang uri ng pandaraya na magreresulta sa huwad na tagumpay.

“Gabayan mo rin ang mga kandidato na hindi sila gumamit ng dahas, pandaraya o anu pang mga iligal na pamamaraan para makamit lang ang isang pekeng tagumpay.” Dagdag pa ng Obispo.

Kaugnay nga nito, sa pinakahuling datos ng Commission on Elections (Comelec), umabot sa higit 54.6 na milyon ang rehistradong botante na nakapagpatala para sa darating na eleksyon bukod pa sa 1.4 milyong Overseas absentee voters.

Naninindigan naman ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na ang pagboto ay isang mahalagang sangkap ng demokrasya at unang hakbang para sa pagbabago ng lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 184,403 total reads

 184,403 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 213,131 total reads

 213,131 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 247,253 total reads

 247,253 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 303,657 total reads

 303,657 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 19,548 total reads

 19,548 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 49,211 total reads

 49,211 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 42,064 total reads

 42,064 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top