St.Michael The Archangel Parish, umaapela ng tulong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

Umaapela ng tulong ang parokya ng St. Michael the Archangel sa Orion Bataan para sa mga biktima ng sunog na naganap sa Depensa Capunitan, Orion Bataan.

Ayon kay Jobert Sabino, Parish Coordinator ng parokya, malawak ang pinsala ng sunog sa lugar at karamihan sa mga residente ay walang naisalbang mga gamit.

Batay sa inisyal na ulat, mahigit sa 600 pamilya ang nasunugan o katumbas sa mahigit 2,000 indibidwal ang apektado sa trahedya sa baybaying dagat ng Orion.

Ibinahagi ni Sabino na nagpaabot ng paunang tulong ang parokya sa pamamahagi ng pagkain sa mga apektadong mamamayan.

Sa kasalukuyan, kontrolado na ng Bureau of Fire Protection ang sunog sa lugar subalit patuloy pa rin ang clearing operations dahil sa makakapal na usok.

Dahil dito, nanawagan si Sabino sa mamamayan na tulungan ang mga nasunugan upang maibsan ang paghihirap na idinudulot ng malawakang sunog.

“Nananawagan po kami dito sa Depensa, Capunitan Orion Bataan dahil po ay napakaraming parishioners natin ang nasunugan, may mga kasama din tayong naglilingkod sa Simbahanat active din po na naging biktima ng sunog. Kung mayroon po kayong maipapadala tulong, canned goods, or cash relief, damit o kahit anong bagay na makatutulong sa mga biktima,” pahayag ni Sabino sa Radio Veritas.

Kumikilos na rin ang Simbahan ng Orion para matulungan ang mamamayan na makababangon sa trahedyang dinanas ngayong araw na ito.

“Nag-iisip po kami paano matutulungan ang mga nasunugan in the long run,” dagdag ni Sabino. Una nang tiniyak ng Simbahang Katolika ang pagtulong sa mga mamamayang maapektuhan ng kahit anong uri ng kalamidad sa lipunan sa pangunguna ng mga social action centers ng bawat parokya at ng Caritas Manila, ang social action arm ng Arkidiyosesis ng Maynila.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 214,763 total reads

 214,763 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 249,436 total reads

 249,436 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 265,336 total reads

 265,336 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 301,826 total reads

 301,826 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 307,672 total reads

 307,672 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top