Tulungan magbagong buhay ang mga nagkamali

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 739 total reads

Pahalagahan ang buhay at at bigyang pagkakataong magbago ang mga nais magbago.

Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Dan Vicente Cancino Jr., MI kaugnay sa mga programa ng Simbahan at pamahalaan para sa mga biktima ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Fr. Cancino, Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Health Care, konkretong halimbawa rito ang buhay ni Saint Camillus de Lellis na nalulong sa sugal subalit binago ng Diyos ang pagkatao matapos isinuko ang puso sa Panginoon.

Sinabi ng Pari na ang pinagdaan ng Santo ay sumasalamin na malaki ang posibilidad na magbago ang mga nalulong sa ipinagbabawal na gamot.

“Magandang tingnan natin yung buhay niya [Saint Camillus De Lellis] sa rehabilitation ng mga drug dependents ngayon. Kung gan’on yung naging buhay ni San Camillo pwede na nating bigyan ng halaga yung mga drug dependents, bigyan natin ng pagkakataong magbago. Pahalagahan natin yung buhay,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radio Veritas.

Hinimok ng Pari ang bawat isa, ang pamilya at lahat ng sektor ng lipunan na magkaisang tulungan ang mga drug dependents upang magkaroon ng panibagong buhay na kapakipakinabang sa pamayanan.

Iginiit ni Fr. Cancino na sa puso ng Panginoon ay hindi suliranin ang mga nalulong sa masasamang bisyo tulad ng paggamit ng iligal na droga.

“Kapag sila ay nagbago, sila ay magiging ka-parte natin sa pagpapalaganap ng kapayapaan at kaayusan dito sa ating bansa,” dagdag ni Fr. Cancino.

DRUG REHAB NG SIMBAHANG KATOLIKA

Binigyang diin ni Fr. Cancino na tumutulong ang Simbahan sa layunin ng pamahalaan na alisin ang iligal na droga sa lipunan subalit gawin ito sa wastong pamamaraan.

Ibinahagi ng Pari na ang Camillan Fathers ay naglulunsad ng iba’t-ibang programang pangrehabilitasyon upang matulungan ang mga drug dependents na makapagbagong buhay at magabayan sa kanilang pagbabago.

Ilan sa mga Community-based Drug Rehabilitation Program ng mga Paring Camilo ang ‘Panimalay sa Paglaom’ [Home of Hope] sa Cebu at ang ‘Home of Love’.

Nilinaw ni Fr. Cancino na ang pagkalulong sa iligal na droga ay itinuturing ng Simbahan na usaping pangkalusugan at hindi krimen.

Ilan sa mga drug rehab ng Simbahan ang Community Based Drug Rehabilitation Program – Abot Kamay Alang-alang sa Pagbabago (CBDRP-AKAP) ng Diyosesis ng Novaliches, PAReForm Program o Parish Approach to Rehabilitation and Formation ng Diyosesis ng Cubao, Salubong Program ng Diyosesis ng Kalookan at Sanlakbay ng Arkidiyosesis ng Maynila.

Patuloy din ang panawagan ng Simbahang Katolika na pangalagaan at protektahan ang buhay laban sa mga anti-life legislation at anti-life policies ng pamahalaan.

Read: Life is our call, our mission
Cardinal Tagle sa Walk for Life: Pagyabungin ang lipunan na nangangalaga sa kahalagahan ng buhay

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 47,211 total reads

 47,211 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 96,951 total reads

 96,951 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 144,822 total reads

 144,822 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 248,771 total reads

 248,771 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 332,480 total reads

 332,480 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top