Citizen’s arrest, adbokasiya ng galit at paghihiganti-Bishop Arigo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 486 total reads

Adbokasiya ng galit at paghihiganti, sa halip na pagkamit ng katarungan.

Ayon kay Apostolic Vicariate of Puerto Prinsesa, Palawan Bishop Pedro Arigo, vice chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care (CBCP-ECPP), ito ang nais ipahiwatig ng bagong administrasyon laban sa mga nagkasala sa batas gaya na lamang ng kautusan sa mamamayan (citizen’s arrest) na maari nilang arestuhin at patayin ang mga pinaghihinalaang kriminal.

Pahayag ni Bishop Arigo, nasa batas ang citizen’s arrest subalit sa sistema ng ‘criminal justice’ sa bansa, may mga kaso ng ‘planted evidences’ at ‘frame-up’ sa mga suspek na dapat ingatan upang hindi maparusahan ang mga inosente.

Dagdag ng obispo, ito rin ang dahilan kung bakit hindi katanggap-tanggap na sinisintensiyahan kaagad ang mga pinaghihinalaan sa halip na litisin o bigyan ng karapatang malitis.

Pahayag pa ni Bishop Arigo, kinakailangan na maitama ang maling nagawa, makapagsisi at makapagbagong-buhay ang mga nagkasala sa batas na layunin ng restorative justice na adbokasiya ng Prison and Pastoral Care.

“May citizen’s arrest naman sa ating Konstitusyon, pero yung abuso, sa ating criminal justice system, daming mga tinatawag na frame-up, may planted evidences na dapat nating pag-ingatan, maganda makita natin na ang problema ng crime and justice ay medyo macrolevel…mabanggit ko ang Prison and Pastoral Care matagal na naming advocacy ang restorative justice, na lumalabas kasi parang sa mga statement ng ating incoming president talagang ang justice isa lang ang ibig sabihin, punitive. Parang hindi na justice parang vengeance na nag-aadvocate ng hatred para dun sa mga law offenders, gayung sa restorative justice ang tingin natin they are still persons to be corrected, to be rehabilitated, yun ang pananaw natin tungkol sa justice system.” Ayon pa kay Bishop Arigo.

Sa panig ng Restorative Justice Ministry ng Simbahang Katolika, maliban sa nagbibigay ng maliit na pinagkakakitaan sa mga bilanggo para sa kanilang pamilya, nagsasagawa din sila ng ‘regular seminars’ para sa kanilang pagbabago ng may dignidad at tuluyang matanggap nila ang kanilang sarili maging ng lipunan.

Base sa nakalap na datos ng Redemptorist priest na si Rev. Fr. Amado Pacardal, dating tagapagsalita ng Coalition Against Summary Executions, mula 2011 hanggang 2015, sa Davao City lamang, nasa 385 ang biktima ng summary executions ng Davao Death Squad (DDS), 39 dito may edad 17 pababa na karamihan ay mga batang lansangan.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 20,413 total reads

 20,413 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 43,732 total reads

 43,732 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 114,312 total reads

 114,312 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 200,822 total reads

 200,822 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 243,850 total reads

 243,850 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 291,819 total reads

 291,819 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 332,594 total reads

 332,594 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 438,680 total reads

 438,680 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top