Tuition fee increase, sinang-ayunan ng mga Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 360 total views

Naiintindihan ni Diocese of Tagbilaran, Bohol Bishop Leonardo Medroso ang pagtataas ng tution fees ng mga paaralan sa bansa.

Ayon kay Bishop Medroso kinakailangan ng ilang mga private schools na taasan ang singil sa bayarin sa paaralan dahil kailangan nilang pantayan ang sweldo na ibinabayad mula sa mga pampublikong paaralan.

“Para sa akin the increase sa private schools especially sa Catholic Schools is very, very important and necessary kasi its for existence, survival because mahirap ngayon because of the increase also of the salary, mga other necessities na kailangan na high price also to survive. We need an increase based on the standard given by the government,” bahagi ng pahayag ni Bishop Medroso sa panayam ng Veritas Patrol.

Tiniyak ni Bishop Medroso na papalawigin pa ng Simbahan lalo na ng mga Catholic Private Schools ang pagbibigay ng scholarship program sa mga mahihirap at karapat–dapat na mga estudyante.

Hinimok rin nito ang ilang mga mananampalataya na may kakayanang tumulong sa mga mahihirap na estudyante na suportahan ang scholarship program ng Simbahan.

“Increase must be there in order for the poor people to come in there is an offer of scholarship. I’m sure our Catholic schools also offer scholarship program and we asked from generous and well to do families to support scholarship,” giit pa ni Bishop Medroso sa Radyo Veritas.

Sa katatapos lamang na Caritas Manila Back to School Telethon 2016 ay nakalikom na ng mahigit 5 milyong piso upang matustusan ang pag–aaral ng 5 libong iskolar ng YSLEP o Youth Servant Leadership and Education Program.

Naniniwala naman si Prelatura ng Isabela de Basilan Bishop Martin Jumoad na mapapakinabangan ng mga guro ang pagtataas ng matrikula ng mga pribadong paaralan at unibersidad sa bansa.

Mabigat man ayon kay Bishop Jumoad para sa ilang mga magulang ang tuition increase ay kinakailangan rin nilang maintindihan ang kalagayan ng mga guro sa pribadong paaralan na kumikita lamang ng kakarampot kung ikukumpara sa sahod ng mga public school teachers.

Umaasa naman si Bishop Jumoad na kasabay ng pagtataas ng tution fees ay makapag–bigay ng salary increase ang mga private schools sa kanilang mga empleyadong guro.

Nabatid na inaprubahan na ng DepEd o Department of Education ang nasa mahigit 1,000 mga pribadong paaralan sa elementary at secondary education na magtaas ng kanilang tution fee na sinabayan naman ng pagpapatupad CHED o Commission on Higher Education sa pagtataas ng matrikula at ilang schools fees ng 304 na mga unibersidad sa bansa.

Nauna na rito binanggit ng kanyang kabanalan Francisco na kinakailangan bigyan kahalagahan ang edukasyon na abot–kaya na maglilinang ng kamalayan ng taumbayan sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 12,340 total views

 12,340 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 21,704 total views

 21,704 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 48,160 total views

 48,160 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 98,385 total views

 98,385 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 103,057 total views

 103,057 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 74,739 total views

 74,739 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 267,924 total views

 267,924 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top