We bow in shame, we beg for forgiveness

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 725 total reads

Muling humingi ng paumanhin ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga biktima ng kahit na anong uri ng pang – aabuso lalo na ang pang-abusong sekswal sa mga kabataan ng mga Pastol ng Simbahan.

Ito ang tugon ni Davao Archbishop Romulo Valles sa katanungan ng isang delegado ng NYD 2019 mula sa Arkidoyosesis ng Jaro sa isinagawang dayalogo nitong ika – 27 ng Abril sa Cebu City Sports Complex.

Ayon kay Archbishop Valles, tulad ng Kan’yang Kabanalan Francisco labis din na ikinahiya ng kalipunan ng mga Obispo sa bansa ang pang-aabusong kinasangkutan ng ilang lingkod ng Simbahang Katolika kasabay ng paghingi ng taos-pusong paumanhin sa pagkakamali ng mga pastol ng Simbahan.

“We bow in shame. We ask for forgiveness, we continue to say; we are so sorry and beg for forgiveness from the Lord and from those this hurt and wrongdoing has been done,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Valles.

Ayon sa Arsobispo, patuloy gumagawa ng hakbang ang Simbahang Katolika ng Pilipinas upang matugunan ang mga suliranin ng pang-aabuso at tiniyak na kaiss ito sa paglaban ng pang – aabuso sa lipunan at umaasang mapanagot sa batas ang mga indibidwal na sangkot.

Aniya, hindi tumitigil ang Simbahan sa paghahanap ng katarungan sa bawat biktima ng pang-aabuso sapagkat isa ito sa mithiin ng Inang Simbahan ang katarungang panlahat.

“We are all committed and do all that what we can that’s a broad statement to stop this. And in the concrete there are procedures on what to do chosing words carefully to bring justice to all,” ani Archbishop Valles.

Sa paliwanag ni Father Getty Ferrer, Canon Lawyer ng Diyosesis ng San Jose Nueva Ecija na ang paglilitis sa simbahan ay sa pamamagitan ng ‘tribunal’ na pinangangasiwaan ng Obispo ng nakakasakop na diocese o isang kinatawan na itatalaga ng Obispo na eksperto sa batas ng Simbahan.

Habang sa bagong kautusan ng Kan’yang Kabanalan Francisco maging Obispo ng diyosesis ay maaring mahaharap sa kauukulang parusa kung bigo itong resolbahin ang kasong pang-aabuso na kinsangkutan ng nasasakupang Pari.

Dahil dito, hinimok ng pangulo ng CBCP ang bawat mananampalataya na huwag matakot ipagbigay alam sa mga opisyal ng Simbahan at maging sa otoridad kung makaranas ng pang-aabuso sa mga lingkod ng Simbahan at tiniyak na nakahandang makinig ang kanilang hanay upang makamtan ang biyaya ng pagpapatawad.

“Do not be afraid, young people do not be afraid, go to your Bishops, go to your priests and be open and unburden your hurting situation. I am sure that they would listen to you, we are ready to ask for your forgiveness because in this forgiveness is the power of healing, grace coming from the Lord,” ani ni Archbishop Valles.

Magugunitang sa isinagawang February Summit on Sexual Abuse sa Vatican na Protection on Minors tinalakay dito ang mga hakbangin na mahinto ang pang-aabusong sekswal sa mga kabataan.

Una nang hinatulang nagkasala ng hukuman si US Cardinal Theodore McCarrick at Australian Cardinal George Pell dahil sa kaso ng pang-aabuso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 129,364 total reads

 129,364 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 266,175 total reads

 266,175 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 381,950 total reads

 381,950 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 497,056 total reads

 497,056 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top