Hamon ng Simbahan sa mga bagong abogado, pairalin ang nasasaad sa saligang batas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 505 total views

Kinilala ng Simbahang Katolika ang husay ng mga Filipinong pasado sa kalalabas na Bar exam result.

Ayon kay Veritasan anchor Rev. Fr. Jerome Secillano, Executive Secretary ng CBCP Permanent Committee on Public Affairs, nararapat na papurihan ang mga napagtagumpayan ng mga pumasa sa bar exam.

Subalit sa kabila nito hamon ng Simbahan sa mga bagong abogado na pairalin ang mga itinakda sa batas at hindi ang mga itinatakda lamang ng mga may kapangyarihan sa lipunan.

Ang mga abogado natin na kapapasa lang ay dapat na papurihan, dahil sa pagpasa nila, napakahirap ng bar exam, pero ito naman ang hamon sa kanila, yung tinatawag nating rule of law, sana bilang mga bagong abogado yun ang kanilang pananaigin at hindi yung rule of men,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Umaasa si Fr. Secillano na mananaig ang pagiging balanse ng mga abogado at pairalin ang batas na nasasaad sa Konstitusyon at hindi basta pumapanig sa mga nasa katungkulan kahit na may mga matataas ang posisyon ang sangkot sa mga imbestigasyon.

Ito ay upang maiwasan ng mga bagong abogado ang pamimili kung sino ang karapat dapat na ipaglaban alinsunod sa mga batas ng bansa.

Bukod dito, hamon din sa mga 2018 Bar Exam Passers na gamitin ang propesyon ng abogasya sa pagtatanggol ng karapatan ng mamamayan lalo na ang mga maliliit at walang boses sa lipunan.

Pangalawa make law of the service of men, so hindi ito ginagawa para sikilin mo ang karapatan ng mga tao, ginawa ang batas para makatulong sa taumbayan at para makapagbigay ng kaayusan sa pamumuhay ng tao,” ani ni Fr. Secillano.

Batay sa resulta mas mababa ang bilang ng mga pumasa sa bar exam nitong 2018 sa 22.07% kumpara sa 25.55% noong 2017.

Sa kabuuang 8, 158 na mga indibidwal na kumuha ng pasulit sa abogasyo, 1, 800 lamang nagtagumpay kung saan nangunguna si Sean James Borja ng Ateneo De Manila University na nakakuha ng 89.306% na score sa pasulit.

Kabilang din sa top 10 sina Marcley Augustus Natu-El ng University of San Carlos (87.5300%), Mark Lawrence Badayos of University of San Carlos (85.8420%), Daniel John Fordan ng Ateneo de Manila University (85.4430%), Katrina Monica Gaw ng Ateneo de Manila University (85.4210%), Nadaine Tongco ng University of the Philippines (85.9320%), Patricia Sevilla ng University of the Philippines (84.8590%), Kathrine Ting ng De La Salle University – Manila (84.8570%), Jebb Lynus Cane ng University of San Carlos (84.8050%) at Alen Joel Pita ng University of San Carlos (84.6930%).

Umaasa si Fr. Secillano na ang mga batas ay hindi magkaroon ng magkakaibang kahulugan sa bawat magtatanggol kundi mananaig ang batas para makapaglingkod sa mga mamamayan.

Ang batas huwag naman sanang magpagulo dahil lamang sa mga interpretasyon ng iilan sana kung kayo ay gagamit ng batas ito talaga ay para makatulong at makapaglingkod sa mamamayan,” dagdag ni Fer. Secillano sa Radio Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 229,748 total views

 229,748 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 259,971 total views

 259,971 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 286,615 total views

 286,615 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 381,588 total views

 381,588 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 387,762 total views

 387,762 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top