Hilingin sa Panginoon ang kapayapaan at katiwasayan sa tulong ng Mahal na Birheng Maria

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Ito ang mensahe ni Military Ordinariate Bishop Oscar Jaime Florencio sa kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima sa ika – 13 ng Mayo.

Aniya, magandang pagkakataon na kasabay ng kapistahan ay ang pagpili ng mamamayan ng mga mamumuno sa bayan, kaya’t mahalagang hilingin ang gabay ng Mahal na Birhen upang makaiwas sa anumang kaguluhang dulot ng hindi pag-uunawaan sa halalan.

Ngayong nataon siya sa election it’s a good timing because our election really needs some divine intervention, we can ask the Blessed Mother to protect us, to guide us like a mother na laging gumagabay sa mga anak tungo sa kabutihan,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng Obispo ang laganap na korapsyon, pamimili at pagbebenta ng boto, dahilan ng kawalan ng wastong pagpapasya ng mga karapat-dapat na ihalal na nagiging sanhi ng kaguluhan at pagkalito.

Dahil dito, hinimok ni Bishop Florencio ang mga mananampalataya na hilingin sa Mahal na Ina ang patnubay sa bawat gawain at tungkuling gagampanan sa araw ng halalan at sa pang araw – araw na pamumuhay.

If they go to their work, ask and entrust themselves to the Blessed Mother, consecrating themselves to the Immaculate Heart of Mary lalo ngayong araw na ito [Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima] as they move whatever they do in different places, to their work, to everyone casting votes in their ballots they should ask the intercession of the Blessed Mother,” ani ni Bishop Florencio.

PANALANGIN, PAGKAKAISA PARA SA KAPAYAPAAN

Pinaalalahanan din ni Bishop Florencio ang mananampalataya na sa pagpakita ng Mahal na Birhen ng Fatima higit 100 taon ang nakalipas ay dala ang mensahe na magkaisa ang lahat upang makamit ang kapayapaan sa lipunan.

Bilang pinuno ng Military Diocese, tiniyak ni Bishop Florencio ang pagpapaigting sa pamumuno sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na nangunguna sa pagtiyak ng kaligtasan ng mamamayan at pagkamit ng kapayapaan sa pamayanan.

Inihalimbawa ng Obispo ang pagtalaga noon ni St. John Paul II sa buong daigdig sa Mahal na Birheng Maria na naging instrumento sa pagkakaroon ng kapayapaan sa mga bansang may digmaan at kaguluhan tulad ng Russia.

Gayunpaman, binigyang diin ni Bishop Florencio na tungkulin ng bawat mananampalataya, Katoliko man o hindi na magkaisa bilang mamamayan sa pagkamit ng kapayapaan sa komunidad na kinabibilangan.

As a Military Bishop I would like to call everyone that in the first place we have been redeemed by the Risen Lord and it is a paramount duty for every Christian believers and every men and women of goodwill hindi lamang Katoliko kundi sa tanan, to really pray for peace and work for peace,” dagdag pa ni Bishop Florencio.

Hinimok ng pinuno ng Military Diocese ang mamamayan na sikaping makamtan ang kapayapaan sa bawat pamilya upang may pagkakasundo na maging daan sa matiwasay na lipunan at makamtan ang kabutihan panlahat.

Sa isang pahayag noon ni St. Paul VI, ang kapayapaan ay daan tungo sa maunlad na lipunan.

On my part I will pray to you all not only this time of election but throughout this year until such time that we can have that peace that we want to achieve,” saad pa ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 126,193 total views

 126,193 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 250,604 total views

 250,604 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 290,069 total views

 290,069 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 362,745 total views

 362,745 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top