Pangamba ng publiko, pinawi ni Bishop Varquez sa pagsabog sa isang seminaryo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Nilinaw ni Borongan Bishop Crispin Varquez na hindi dapat maalarma ang publiko sa naganap na pagsabog sa labas ng isang seminaryo sa Borongan Eastern Samar.

Ayon kay Bishop Varquez, walang makitang motibo ang diyosesis at maging ang mga otoridad upang atakihin ang Seminario de Jesus Nazareno.

Nilinaw ng Obispo na walang matatalim na bagay ang nakita sa sumabog kundi ito ay isang paputok lamang.

“Hindi dapat maalarma kasi wala namang possible motive at wala namang sharp objects, pulbura lang siya, pure paputok lang,” pahayag ni Bishop Varquez sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ng Obispo na walang dapat ikabahala sapagkat hindi nakikisangkot ang seminaryo sa mga usaping pampulitika at wala ring naiulat na may nagagalit sa seminaryo o sa pamunuan nito.

Batay sa pahayag ni Fr. Edmel Raagas, ang Spiritual Director ng seminaryo, alas 6:45 ng gabi noong ika – 19 ng Mayo ng magkaroon ng malakas na pagsabog sa exit gate ng Seminario de Jesus Nazareno sa Baarangay Campesao.

Ayon pa sa Obispo, may posibilidad na mga lasing ang may kagagawan sa paghagis ng paputok sa compound batay na rin sa salaysay ni Fr. Raagas na may mga indibidwal na nag-iinuman malapit sa seminaryo.

Sinabi pa ni Bishop Varquez na walang nasira o nasugatan sa naganap na pagsabog dahil kasalukuyang nasa bakasyon ang mga seminaristang nag-aaral dito.

Aniya, hindi dapat mangamba ang publiko dahil maayos na naipatutupad ng mga otoridad ang pagpapanatili sa kapayapaan sa buong Borongan.

“Very peaceful ang Borongan, walay problema sa peace and order [walang problema sa peace and order],” ani pa ni Bishop Varquez.

Gayunpaman, patuloy na hinimok ng mga otoridad ang mamamayan na manatiling alerto at mapagbantay sa paligid upang makaiwas sa anumang karahasan at kaguluhan.

Magugunitang ika – 27 ng Enero nitong taon nang magkaroon ng dalawang pagsabog sa loob ng Jolo Cathedral na ikinasawi higit 20 katao habang halos 100 indibidwal naman ang nasugatan.

Ika – 4 ng Pebrero naman nang ianunsyo ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang pagsuko ni Kammah Pae na itinuturong main suspect sa insidente at hinihinalang kasapi ng teroristang Abu Sayaff Group.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 16,526 total reads

 16,526 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 55,661 total reads

 55,661 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 90,961 total reads

 90,961 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 317,230 total reads

 317,230 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 209,616 total reads

 209,616 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top