Muling pagpapatupad ng ROTC, nawa’y magbunga ng makabayang Kabataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 891 total reads

Umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippine (CBCP) na magdudulot ng kabutihan ang ipatutupad na mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC).

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity dapat hindi masasayang ang panahon na ilalaan para sa nasabing programa at tuluyang mahubog ang kabataan sa pagiging makabayan.

“Nawa’y maging educational itong ROTC na hindi lang pamartsa-martsa ang mga bata kundi mag-create talaga nang patriotism sa mga kabataan,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Umaasa pa ang Obispo na nawa’y may sapat na kaalaman at kakayahan ang mga magpapatupad ng ROTC upang maisakatuparan ang layunin ng programa.

Una nang kinatigan ng Department of Education (DepEd) ang muling pagpapatupad sa ROTC program dahil makatulong ito sa kinabukasan ng bansa na magkaroon ng matatag na mamamayan at mahubog sa disiplina ang mga kabataan.

Kinondena naman ng grupong Gabriela at Kabataan ang planong mandatory ROTC sa senior high school dahil sa pangambang magdudulot ito ng militarisasyon at takot sa loob ng mga paaralan na magiging sanhi ng pang-aabuso sa karapatang pantao.

Paalala rin ni Bishop Pabillo na kung tuluyang maipatupad ang mandatory ROTC ay tiyaking hindi ito makalalabag sa karapatan ng mga kabataan at maiwasan ang mga pang-aabuso.

Nilinaw naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang sponsor ng panukalang batas na kabilang sa mga pagsasanay sa ilalim ng ROTC ang kahandaan sa kalamidad at capacity-building para sa mga risk-related situation upang makatulong sa bansa kung may kalamidad.

Sinabi pa ni Bishop Pabillo na sana’y hindi na maulit ang nangyari noong unang ipinatupad ang ROTC kung saan nasasayang ang oras at salapi dahil sa hindi maayos na pagpapatupad ng programa.

“Maraming mga bagay ang maganda, pagdating sa implementation ay ‘yun ang problema kasi isa yan sa naging problema ng ROTC noon na walang natutuhan ang mga kabataan; nagsasayang lang ng panahon at pera,” saad pa ni Bishop Pabillo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 13,682 total reads

 13,682 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,898 total reads

 50,898 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,168 total reads

 277,168 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,635 total reads

 170,635 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,979 total reads

 263,979 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top