Kahusayan at kasipagan ng mga manggagawang Filipino, walang katulad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,178 total reads

Inilahad sa ensiklikal na On Human Works ni Saint John Paul II na dapat igalang ang bawat manggagawa sa lahat ng sektor sa lipunan.

Bunsod nito, pinuna ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines ang muling pahayag ni Special Envoy to China Ramon Tulfo na tamad ang mga Filipinong consturction workers sa bansa kumpara sa manggagawang Tsino.

Ayon kay Allan Tanjusay, tagapagsalita ng TUCP, walang katotohanan ang pahayag ng opisyal sapagkat marami nang napatunayan ang mga Filipinong construction worker.

Sinabi ni Tanjusay na ang matataas na gusali, mga tulay, progresibong mga kalsada sa Pilipinas ay produkto ng pagtityaga ng mga construction worker na pinakikinabangan din ni Tulfo sa kasalukuyan.

“Napakababa na ng kanyang pag-iisip, kung sasabihin niya na tamad at pakuya-kuyakoy ang ating mga Filipino construction workers ay taliwas sa kanyang nakikita at pinakikinabangan,” pahayag ni Tanjusay sa Radio Veritas.

Inihayag ni Tulfo na mas mabilis gumawa ang mga Chinese kumpara sa mga Filipino.

Nilinaw ni Tanjusay na kung makikitang nagpapahinga ang mga Filipinong construction worker ay dahil sa uri ng kanilang trabaho na nakabilad sa init ng araw at lantad sa panganib na makikita din sa mga Chinese worker.

Sa tala, mahigit sampung milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers sa buong daigdig kung saan kabilang dito ang mga skilled workers at construction workers.

Naitala naman ng Bureau of Immigration na mahigit sa 3 milyong Chinese ang pumasok sa Pilipinas noong 2016 hanggang 2018.

Iniulat din ng Department of Labor and Employment na 53, 311 Alien Employment Permit ang inilabas ng ahensya noong 2016 hanggang 2018 kung saan higit sa 18 libo ang ibinigay sa mga Chinese national kabilang ang 2, 884 Chinese construction workers.

Una nang nanawagan ang CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pamahalaan na lumikha ng maraming trabaho para sa kapakinabangan ng mga Filipino upang mapigilang mangibang bansa at malayo sa pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 28,926 total reads

 28,926 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 65,131 total reads

 65,131 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 291,401 total reads

 291,401 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 184,868 total reads

 184,868 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 277,403 total reads

 277,403 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top