Hit and run ng Chinese fishing vessel sa Reed Banks, kinondena ng PAMALAKAYA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 559 total reads

Kinilala ng Simbahang Katolika ang ambag ng mga mangingisda sa lipunan.

Nakasaad sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si ang pagpapaigting sa pangangalaga sa karagatan upang maprotektahan ang mga yamang dagat na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Kaugnay nito, mariing kinondena ng grupo ng mangingisda ang ginagawang “hit and run” ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa Reed Bank na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ni Fernando Hicap, National Chairperson ng PAMBANSANG LAKAS NG KILUSANG MAMAMALAKAYA NG PILIPINAS (PAMALAKAYA) na malinaw na paglabag sa karapatang pantao ang insidente kaya’t dapat panagutin ang mga salarin.

“Dapat pursigihin ng ating gobyerno na mapanagot yung mga Chinese na sakay ng chinese vessel,” pahayag ni Hicap sa Radio Veritas.

Inihayag ng Hicap na malinaw sa mga salaysay na binangga ang bangka ng mga Filipinong mangingisda sapagkat naka-anchor ito sa karagatan.

Nanawagan ang PAMALAKAYA sa 22 mangingisda na ilahad sa publiko ang nangyaring pagbangga at tiniyak na tutulong ang grupo sa paghahanap ng mga mangingisda ng katarungan.

Sinabi pa ni Hicap na iilan lamang ito sa mga insidenteng harassment ng China sa mga mangingisdang Filipino.

Dahil ditto, nanawagan ang PAMALAKAYA kay Pangulong Rodrigo Duterte na igiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at hindi basta magtitiwala sa China.

Hiniling din ng grupo sa pamahalaan na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga salarin upang mabigyang katarungan ang dinanas ng mga mangingisdang Filipino.

Ibinahagi ni Hicap na batay sa salaysay ng mga kasaping mangingisda ng PAMALAKAYA, umiiral ang friendly environment sa karagatan ng West Philippine Sea noong hindi ito inangkin ng China.

Binigyan diin ng grupo na napapanahong muling pairalin ang peaceful common fishing area sa karagatan ng West Philippine Sea upang manumbalik ang pagkakaisa at pagkakasundo ng mga mangingisda sa lugar.

Nabatid na pormal ng naghain si Department of Foreign Affairs secretary Teodoro Locsin Jr. ng diplomatic protest laban sa China.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 26,132 total reads

 26,132 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 62,534 total reads

 62,534 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 288,804 total reads

 288,804 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 182,271 total reads

 182,271 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 274,923 total reads

 274,923 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top