Walang kalayaan kung umiiral ang individualism-Obispo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 539 total reads

Hinamon ng pinuno ng Military Ordinariate of the Philippines ang mamamayan na suriin ang bawat isa kung ano ba ang tunay na kahulugan ng kalayaan sa kanilang buhay.

Ayon kay Military Bishop Oscar Jaime Florencio, sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan ay mahalagang maunawaan ng tao ang ibig sabihin ng selebrasyon.

Naniniwala ang Obispo na ang tunay na kalayaan ay ang kahandaan ng bawat isa sa paglingkod sa kapwa at pagkalinga sa pangangailangan ng iba.

“I believe that the real independence is that we have to liberate from individualism and personalistic interest because the real independence is actually for the others,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Binigyang diin ni Bishop Florencio ang kahalagahan ng pakikipagkapwa tao sa halip na maging makasarili at tinatalikuran ang tungkulin sa kapwa.

Ayon pa sa Obispo, kung malaya ang tao sa pagkamakasarili ay tuwinang makamtan ang tunay na kalayaan dahil mas lalawak ang pagtingin sa paligid na nakahandang makihalubilo sa pamayanan at tugunan ang pangangailangan ng kapwa.

Ipinaalala din ni Bishop Florencio sa lahat na manatiling kumapit sa Panginoon dahil si Hesus ang konkretong halimbawa sa pagiging tunay na malaya nang isinugo ito ng Diyos Ama na makipamuhay sa mga tao at nagbata ng paghihirap sa ikatutubos ng sanlibutan.

“Jesus free himself order to be one with us and to be able to serve the common good,” ani ni Bishop Florencio.

Dahil dito umaasa ang pinuno ng Military Diocese na tulungan ng Panginoon ang bawat isa na tanggapin ang tungkulin na ang tao ay nabubuhay hindi para sa sarili kundi para sa kapwa.

“Sana ang Panginoon ay tulungan tayo, bigyan tayo ng kanyang biyaya so that all of us will be working for the greater good and for the common good,” saad ng Obispo.

Una nang nagpahayag ng pagbati si Cebu Archbishop Jose Palma sa mga Filipino sa pagdiriwang ng ika – 121 Araw ng Kalayanaan at umaasang matamo ng bawat mananampalataya ang tunay na kahulugan ng kalayaan na naayon sa kalooban ng Panginoon at magdudulot ng pagkakaisa sa pamayanan.

Read: Kagitingan ng mga Filipino, ipagbunyi sa selebrasyon ng Independence day

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BRIGHT LIGHTS, TIGHTER WALLETS

 94,974 total reads

 94,974 total reads Kapanalig, sa pagsapit ng pasko., ito ay hindi lamang isang petsa sa kalendaryo, kundi apat na buwang “season of hope” sa ating mga

Read More »

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 153,135 total reads

 153,135 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 289,645 total reads

 289,645 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 404,638 total reads

 404,638 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top