Hit and run ng Chinese fishing vessel sa Reed Banks, kinondena ng PAMALAKAYA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 501 total views

Kinilala ng Simbahang Katolika ang ambag ng mga mangingisda sa lipunan.

Nakasaad sa ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Laudato Si ang pagpapaigting sa pangangalaga sa karagatan upang maprotektahan ang mga yamang dagat na kapaki-pakinabang sa mamamayan.

Kaugnay nito, mariing kinondena ng grupo ng mangingisda ang ginagawang “hit and run” ng isang Chinese vessel sa bangkang pangisda ng mga Filipino sa Reed Bank na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Iginiit ni Fernando Hicap, National Chairperson ng PAMBANSANG LAKAS NG KILUSANG MAMAMALAKAYA NG PILIPINAS (PAMALAKAYA) na malinaw na paglabag sa karapatang pantao ang insidente kaya’t dapat panagutin ang mga salarin.

“Dapat pursigihin ng ating gobyerno na mapanagot yung mga Chinese na sakay ng chinese vessel,” pahayag ni Hicap sa Radio Veritas.

Inihayag ng Hicap na malinaw sa mga salaysay na binangga ang bangka ng mga Filipinong mangingisda sapagkat naka-anchor ito sa karagatan.

Nanawagan ang PAMALAKAYA sa 22 mangingisda na ilahad sa publiko ang nangyaring pagbangga at tiniyak na tutulong ang grupo sa paghahanap ng mga mangingisda ng katarungan.

Sinabi pa ni Hicap na iilan lamang ito sa mga insidenteng harassment ng China sa mga mangingisdang Filipino.

Dahil ditto, nanawagan ang PAMALAKAYA kay Pangulong Rodrigo Duterte na igiit ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at hindi basta magtitiwala sa China.

Hiniling din ng grupo sa pamahalaan na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga salarin upang mabigyang katarungan ang dinanas ng mga mangingisdang Filipino.

Ibinahagi ni Hicap na batay sa salaysay ng mga kasaping mangingisda ng PAMALAKAYA, umiiral ang friendly environment sa karagatan ng West Philippine Sea noong hindi ito inangkin ng China.

Binigyan diin ng grupo na napapanahong muling pairalin ang peaceful common fishing area sa karagatan ng West Philippine Sea upang manumbalik ang pagkakaisa at pagkakasundo ng mga mangingisda sa lugar.

Nabatid na pormal ng naghain si Department of Foreign Affairs secretary Teodoro Locsin Jr. ng diplomatic protest laban sa China.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 224,017 total views

 224,017 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 254,240 total views

 254,240 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 280,884 total views

 280,884 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 375,857 total views

 375,857 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 382,395 total views

 382,395 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top