Renewing faith at pangangalaga ng kalikasan, mensahe ng Wattah Wattah festival

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,031 total reads

Pangangalaga sa likas na yaman at pagsusulong ng kamalayang pang-espirituwal ang tututukan ngayon taon ng pamahalaang Lungsod ng San Juan sa paggunita ng taunang Wattah Wattah Festival na kilala rin bilang Basaan Festival.

Ang Basaan Festival ay ang tradisyunal na paraan ng paggunita sa kapistahan ng lungsod sa kaarawan ng Patron ng siyudad na si St. John the Baptist o San Juan Bautista.

Sa mga nakalipas na taon naging tradisyon na ng mga residente ng siyudad na magbasaan o magsabuyan ng tubig na bahagi ng pagbabalik tanaw sa act of baptism o sakramento ng pagbibinyag.

Gayunpaman, dahil sa nagaganap na malawakang water crisis ay napagdesisyunan ng pamahalaang lungsod ng San Juan na mas tutukan sa pagdiriwang ngayong taon ang pang-espiritwal na aspekto at pagsasagawa ng mga conservation effort upang mas maimulat sa mamamayan ang pagpapahalaga sa mga likas na yaman.

Pagbabahagi ni San Juan Mayor Guia Guanzon Gomez, bilang paggunita na rin sa ika-16 na taon ng Wattah Wattah o Basaan Festival ay lilimitahan ng pamahalaang lungsod sa 16 na fire trucks ang makikibahagi sa tradisyunal na basaan kung saan ang ibang truck ng bombero ay magrarasyon ng tubig sa mga barangay na apektado pa rin ng kakulangan ng supply ng tubig.

“Less na yung mga trucks na dati-dati ay umaabot sa 25-trucks ang nagbabasa, ngayon we have limited ito to 16-trucks and the rest maybe about 15-trucks will be magbibigay ng tubig, rationing of water and Manila Water has also committed that they are going to ration potable water”. pahayag ni Mayor Gomez sa panayam sa Radyo Veritas.

Binigyang diin naman ng opisyal ang kahalagahan na maimulat sa mamamayan ang tunay na diwa ng kapistahan ng siyudad at hindi lamang sa kasiyahan at mga aktibidad.

Ipinaliwanag ng Alkalde na mahalagang makilala ng mamamayan ang patron ng lungsod na si San Juan Bautista upang maging huwaran ng kababaang loob at lubos na pagmamahal sa Panginoon ng higit pa sa anumang materyal na bagay at sa kanyang sarili.

Nagsimula ang selebrasyon ng Wattah Wattah Festival noong ika-7 ng Hunyo sa pamamagitan ng pakikibahagi ng siyudad sa paggunita ng World Environment Day.

Matatandaang Marso ng makaranas ng kakulangan sa supply ng tubig ang malaking bahagi ng Metro Manila kung saan aabot sa 52-libong kabahayan ang nawalan ng tubig dahil sa patuloy na pagbaba ng antas ng tubig sa La Mesa Dam na pinakamababa sa loob ng 12-taon.

Si San Juan Bautista ang sugo ng Diyos na tagapagpakilala ng manunubos nang kanyang binyagan sa ilog ng Jordan ang pinsan niyang si Hesus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 25,459 total reads

 25,459 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 110,777 total reads

 110,777 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 148,150 total reads

 148,150 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 179,409 total reads

 179,409 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 251,139 total reads

 251,139 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 33,305 total reads

 33,305 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top