Bishop Almedilla, hinamon ni Cardinal Tagle na panatilihin ang kababaang loob

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,105 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle si Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla hinggil sa panibagong misyon na kakaharapin para sa Simbahang Katolika.

Sa pagninilay ng Kardinal, sinabi nitong hindi trabaho ang iniaatang ng Simbahan sa kanya kundi ang maging kaisa ni Hesus sa paglilingkod sa sambayanan ng Diyos na ipinagkakatiwala sa kanyang pangangalaga.

“Hindi ito trabaho ang pinapasok mo [Bishop Almedilla], isa itong napakalalim na ugnayan kay Hesus, ugnayan sa Ama, na uuwi sa ugnayan ng bayan ng Diyos sa Butuan,” bahagi ng homiliya ni Kardinal Tagle.

Ipinaliwanag ni Kardinal Tagle na si Hesus ay nakipagkaisa sa kawan ng Diyos Ama upang maipadama ang dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao.

Hamon ng Kardinal na bilang mga pastol ng Panginoon ay mahalagang pairalin ang kababaang loob sapagkat higit kinalulugdan ng Diyos ang pagtitiwala sa kanyang kawan.

Hinimok din ni Kardinal Tagle ang mananampalataya na patuloy ipanalangin si Bishop Almedilla na gabayan sa kanyang pagpapastol sa higit 1 milyong Katoliko sa Butuan katuwang ang mga Pari at iba’t ibang relihiyosong kongregasyon.

“Mga kapatid, ipanalangin natin si Bishop Meng na lumalim ang kanyang pagmamahal kay Kristo dahil ang pagmamahal kay Kristo ang ugat ng pagmamahal n’ya sa kawan ni Kristo,” ani ng Kardinal.

Pinili ni Bishop Almedilla ang motto na ‘Pasce Oves Meas’o ‘Tend My Sheep’ ang paghirang ng Santo Papa sa kanya bilang pinunong pastol ng Butuan na isang paglilingkod sa kabila ng kanyang pagiging hindi karapat-dapat.

Ika – 25 ng Marso nang hirangin ni Pope Francis si Bishop Almedilla na magiging kahalili ni Bishop Juan De Dios Pueblos na pumanaw noong Oktubre 2017.

Ika – 25 ng Hunyo naman ng isagawa ang episcopal ordination, installation at canonical possesion ni Bishop Almedilla sa St. Joseph Cathedral sa lungsod ng Butuan sa pangunguna ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma katuwang sina Malaybalay Bishop Jose Cabantan at Talibon Bishop Daniel Patrick Parcon habang nagbahagi ng homiliya si Kardinal Tagle.

Hiling ng Arsobispo ng Maynila sa mananampalataya na samahan si Bishop Almedilla sa pagtanggap sa hamon ng pagmimisyon bilang pastol na nakasusunod sa kalooban ng Diyos Ama tulad ni Hesus na ipinalalaganap ang pag-ibig sa kanyang pagpapastol.

Sa huli ay binilin ni Kardinal Tagle sa bagong Obispo na ito ay katiwala lamang ng Panginoon at hayaan si Jesus na maging tagapagpastol ng sanlibutan.

“You [Bishop Almedilla] are part of the flock, let Jesus be the shepherd do not compete Jesus,” ani ni Kardinal Tagle

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 29,560 total reads

 29,560 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 67,619 total reads

 67,619 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 102,918 total reads

 102,918 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 329,188 total reads

 329,188 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 220,755 total reads

 220,755 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top