Simbahan sa Diocese of Kidapawan, bukas sa mga napinsala ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 394 total reads

Tiniyak ng Obispo ng Kidapawan na nakahanda ang mananampalataya laban sa kahit anong uri ng kalamidad partikular ang lindol.

Ayon kay Bishop Jose Colin Bagaforo, nakiisa ang Simbahang Katolika ng North Cotabato sa lokal na pamahalaan sa mga disaster preparedness exercises upang matiyak na handa sa tuwing may sakuna.

“We have been cooperating at we have been participating with the local government units (LGU’s) sa ginagawang mga earthquake drill exercises,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Iniulat ng Obispo na walang nasirang gusali at walang napinsala sa pagyanig ng magnitude 5.6 na lindol sa lalawigan noong ika – 9 ng Hulyo ng gabi.

Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang epicenter 20 kilometro Timog-Kanluran ng Makilala North Cotabato.

Ibinahagi pa ni Bishop Bagaforo na ideneklara ng lokal na pamahalaan ng North Cotabato na walang pasok sa lahat ng institusyon upang maiwasang magkaroon ng pinsala dahil patuloy pa rin nararamdaman sa lugar ang mga aftershock.

Tiniyak ng Obispo na bukas ang mga Simbahan sa Diyosesis ng Kidapawan sa mamamayang nangangailangan ng matutuluyan kung magpapatuloy ang mga pagyanig at kung sakaling magkaroon ng mga pinsala.

“In terms of the event na kailangan ng relief at tsaka ng rehabilitation open directives ko sa lahat ng mga Pari if there are, in our parishes may mga gymnasium kami o di kaya more or less malaki at saka strong yung aming mga simbahan, I told them and we agree in the event of those things, those disasters will happen they can become center of evacuation and become center of rehabilitations,” ani ng Obispo.

Dalangin ni Bishop Bagaforo na mailayo ang mamamayan sa kapahamakan at hinimok ang bawat isa na patuloy kumapit sa Panginoon at magtiwala sa Kanya.

Jesus Prayer
“Lord, Jesus Christ, son of David, have mercy on me a sinner.”
PANALANGIN

Panginoong Diyos, iligtas mo po kami Panginoong Hesukristo, tulungan nyo po kami, nawa’y ilayo kami sa mga sakuna. Nawa’y mabuksang muli ang aming mga puso na ang lahat ay nasa kamay ng Diyos Ama at ang lahat; ang katapusan at simula ng buhay ay nasa kamay ng Diyos. Nawa’y panatilihin mo’ng matatag ang aming pananampalataya at nawa’y iligtas mo kami at bigyan kami ng malalim pa na pag-asa ng Iyong pagmamahal sa amin. Ang lahat ng ito ay hiniling sa ngalan ng iyong Anak na si Hesukristo na aming Panginoon at aming Tagapagligtas. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng poong maykapal lalong lalo na ang mga taga North Cotabato. Amen!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 26,915 total reads

 26,915 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 112,119 total reads

 112,119 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 149,492 total reads

 149,492 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 180,751 total reads

 180,751 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 252,438 total reads

 252,438 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top