Pagsangyaw 2021, pinag-igting ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 515 total views

Binigyang diin ni Cebu Archbishop Jose Palma na ang mga Kristiyano ay nabibilang sa iisang katawan; ang Katawan ni Kristo.

Ito ang sentro sa pagninilay ng Arsobispo sa ikalawang season ng ‘Pagsangyaw 2021’ isang katesismo na pinasimulan ng Arkidiyosesis para higit na mapalalim ang kamalayan ng mananampalataya sa pananampalatayang Katoliko at bilang paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa 2021.

“Tayong lahat, one body, ibig sabihin mayroon tayong relasyon, may pakialam at may responsibilidad sa kapwa sapagkat tayo ay kabilang sa Katawan ni Kristo,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Palma.

Ipinaliwanag ni Archbishop Palma na ang katawan ni Kristo na tinatanggap sa Banal na Misa ay nagbibigay lakas at buhay sa bawat mananampalataya sapagkat ditto dumadaloy ang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon para sa sangkatauhan na bahagi ng katawan ni Kristo.

Sinabi ng Arsobispo na sa dakilang pag-ibig ng Diyos sa tao ay inialay nito ang Kanyang bugtong na Anak upang maging pagkaing espiritwal at nagtubos sa tao mula sa mga kasalanan.

Ang ‘Pagsangyaw 2021’ ay programa ng Arkidiyosesis ng Cebu na inilunsad noong Marso sa pangunguna ng Archdiocesan Commission on the Laity na pinamumunuan ni Fe Barino.

Layon nitong paigtingin at palakasin ang katesismo gamit ang media tulad ng radyo, diyaryo at telebisyon at ang makabagong teknolohiya tulad ng internet upang maabot ang mga mananampalataya at ganap na maging handa sa pagdiriwang ng 500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas.

Ang mga video materials sa ‘Pagsangyaw 2021’ ay ipinamamahagi sa mga parokya upang magsilbing gabay sa mga mananampalataya at sa mga eskwelahan para mabuksan ang kamalayan ng mga kabataan sa pananampalatayang Katoliko at higit maunawaan ang mga katuruan ng Simbahan.

Hinimok pa ni Barino ang iba pang mga Diyosesis na gumawa ng mga hakbang na makatulong sa mga lingkod ng Simbahan sa pagbabahagi ng mga turo ng Panginoon.

Magugunitang 2013 nang inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang siyam na taong paghahanda para sa pagdiriwang ng pananampalatayang Katoliko kung saan bawat taon ay may temang ibinibigay upang mabigyang pansin ang mga programa ng Simbahang Katolika.

Ngayong taon ay nakasentro sa mga Kabataan ang mga pagtitipon ng Simbahan sa Pilipinas upang hubugin tungo sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa at itinuturing na kasalukuyan at kinabukasan ng Simbahan at lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 220,432 total views

 220,432 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 250,655 total views

 250,655 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 277,299 total views

 277,299 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 372,272 total views

 372,272 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 379,020 total views

 379,020 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top