Walang katumbas na halaga ang mga sakramento -Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,090 total reads

Hindi hadlang ang kahirapan sa pagtanggap ng biyaya ng Panginoon tulad ng mga sakramento ng Simbahan.

Ayon kay Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, walang katumbas na halaga ang mga sakramento sapagkat ito ay kaloob ng Panginoon sa bawat mananampalataya bilang mga Anak ng Diyos.

“Hindi hadlang ang pagiging simple at pagiging mahirap sa pagtanggap ng biyaya mula sa Diyos, ang biyaya ay hindi nababayaran at kailanman ay walang presyo,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle sa isinagawang binyagang bayan sa inisyatibo ng Tulay ng Kabataan Foundation na ginanap sa Manila Cathedral.

Paalala ni Cardinal Tagle sa mananampalatayang dumalo na sa pamamagitan ng binyag tayo ay naging Anak ng Diyos sa ngalan ni Hesus at kasama tayo ni Hesus sa kamatayan at muling pagkabuhay.

Bukod dito ay pinasalamatan ng Cardinal ang mga magulang dahil sa kanilang pagtugon ng pabinyagan ang kanilang mga anak upang maging bagong silang na mga anak ng Diyos, kapatid ni Hesus at maging pormal na kasapi sa mas malaking pamilya ang Simbahang Katolika.

“Palakihin ang inyong mga anak bilang mabuting tagasunod ni Hesus at mabuting miyembro ng Simbahan at pamayanan,” paalala ni Cardinal Tagle.

Hamon pa ni Cardinal Tagle sa mga magulang na palaguin at patatagin ang kanilang pananampalataya sa Diyos upang mabigyan ng wastong paggabay ang kanilang mga anak at lumaki bilang mabuting kasapi ng sambayanan.

Umabot sa 450 kabataan ang tumanggap ng sakramento ng binyag sa tulong ng Tulay ng Kabataan at tiniyak ni Fr. Matthieu Dauchez, executive director ng institusyon na paigtingin pa ang kanilang programa upang maabot pa ang mga kabataan sa mga mahihirap na komunidad.

Sa ginanap na stewardship summit ng Arkidiyosesis ng Maynila nitong Setyembre, layon nitong buwagin ang arancel system sa mga parokya o ang pagbibigay ng exact rate sa mga serbisyo ng Simbahan tulad ng pagtanggap ng mga sakramento.

Read: Pag-alis ng arancel system, ipapatupad ng Archdiocese of Manila

Hangarin din ng pagtitipon na maisulong ang diwa ng paglilingkod sa kapwa at maipakita ang pagiging misyonero ng Simbahang Katolika na lumilingap sa mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 31,089 total reads

 31,089 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 67,215 total reads

 67,215 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 293,485 total reads

 293,485 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 186,952 total reads

 186,952 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 279,341 total reads

 279,341 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top