Bilateral agreement sa pagitan ng Russia at Pilipinas, pinuri ng CBCP-ECMI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 912 total reads

Naniniwala ang pinuno ng Migrants Ministry ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na makatutulong sa mga Filipinong migrante ang kasunduang nilagdaan ng mga opisyal ng Pilipinas at Russia.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI), maituturing na kaginhawaan sa panig ng mga Overseas Filipino Workers sa Russia na makapagtrabaho ng maayos at panatag ang kalooban.

“Bilateral agreement between our country and Russia is indeed a welcome relief and assurance that our OFW in Russia will be protected and their works would be legalised,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Aniya, maaring ito rin ang wastong hakbang upang matugunan ang suliranin sa pagkuha ng visa sa nasabing bansa lalo’t kasalukuyang 100 lamang ang inilaan para sa mga dayuhanng manggagawa.

Umaasa ang obispo na maresolba sa tulong ng nasabing kasunduan ang iba’t ibang suliraning kinakaharap ng mga OFW partikular na ang halos 10, 000 undocumented Filipinos.

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, ang mga household workers at nannies na mga Filipino ang kadalasang walang working visa sa Russia dahil sa limitado lamang ang binibigyan.

“Surely this bilateral agreement will promote the well being of our OFWs, and can attend specifically to their needs and concerns.” ani ni Bishop Santos.

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Filipino sa Russia na ligtas ito at hindi ito hahabulin ng mga awtoridad sa nasabing bansa batay na rin sa napagkasunduan ng dalawang lider.

Mas paiigtingin pa ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa Russia para sa mga oportunidad ng trabaho na maging bukas para sa mga Filipino.

Dahil dito umaasa si Bishop Santos na tatalima at mahigpit na maipatupad ang mga napagkasunduan ng dalawang bansa para sa kapakanan at karapatan ng mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat.

“We pray and hope this bilateral agreement will push through, be accepted and implemented,” saad ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 17,124 total reads

 17,124 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 56,236 total reads

 56,236 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 91,536 total reads

 91,536 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 317,805 total reads

 317,805 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 210,156 total reads

 210,156 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top