Maralitang sektor, kumita na ng 4M piso sa “Buy and Give Trade Fair” ng Caritas Manila.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 416 total reads

Binigyang diin ng opisyal ng Caritas Manila na dapat tulungan ang mahihirap na mapanatili ang pangkabuhayan upang tuluyang makaahon sa kahukhaan.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, hindi sapat ang pagbabahagi lamang sa mga dukha sa lipunan kundi mahalagang maturuang mapanatili ang kanilang pinagkakakitaan.

“Tumulong tayo in a sustainable way at walang kondisyon para sa kapakanan ng mga mahihirap sa pamayanan,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Ito ang naging layunin ng Caritas Margins, ang social enterprise program ng social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila kung saan tinututukan ang pagbibigay kabuhayan sa mamamayan lalo na ang mga nasa laylayan.

Bilang katuparan sa adbokasiya ng Simbahang Katolika, tinututukan ng Caritas Manila ang mga programang mapakikinabangan ng mga dukha sa pamayanan kabilang na dito ang edukasyon, mga libreng pagsasanay at pangkabuhayan.

“Siguruhin natin na ang itinutulong ay talagang ang pangangailangan nila (poor sectors),” ani ni Fr. Pascual.

Iginiit ni Fr. Pascual na hindi dahil sa katamaran kaya’t lalong naghihirap ang mga Filipino kundi ang kawalang oportunidad sa bansa na magkaroon ng maayos na kabuhayan.

Aniya ang pagbibigay ng pagkakakitaan sa mga dukha ang pinakamabisang paraan na maiahon ito sa kahirapang nararanasan.

Kaugnay dito, kasalukuyang nagsasagawa ng ‘buy and give trade fair’ ang Caritas Margins sa ikapitong pagkakataon upang higit na mailapit sa publiko ang mga produktong gawa ng mga magsasaka, mangingisda, bilanggo at iba pang grupo mula sa maralitang sektor ng bansa.

Sa pamamagitan nito malaki ang posibilidad na lalago ang small-medium enterprise ng mga Filipino sa pagtangkilik ng mga mamimili ng kani-kanilang produkto.

Sa nakalipas na 2 buy and give trade fair umabot sa halos apat na milyong piso ang kinita ng mga partner exhibitors.

Kasalukuyang ginanap ang huling bahagi ng trade fair sa Glorietta activity center sa lungsod ng Makati mula ikaanim hanggang ikapito ng Nobyembre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 9,834 total reads

 9,833 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 96,533 total reads

 96,533 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 133,906 total reads

 133,906 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 165,167 total reads

 165,167 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 237,509 total reads

 237,509 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top