Administrasyong Aquino, walang nagawa sa job generation

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 413 total reads

Kumbinsido ang Partido ng Manggagawa sa naging resulta ng pag – aaral na inilabas ng Social Weather Station o SWS na 11-milyong Pilipino ang walang trabaho.

Ayon kay Rene Magtubo, walang nalikhang trabaho ang administrasyong Aquino dahil pinondohan lamang ng gobyerno ang mga serbisyo na limitado sa mga negosyante.

“Kasi naman hindi naman talaga nagkaroon ng malaking pagbabago sa job generation ng ating ekonomiya. Bagamat sabihin natin mayroong pag – unlad in terms of Gross Domestic Product pero hindi naman talaga umunlad yung mga sector ng ekonomiya natin tulad ng manufacturing, tulad ng agrikultura, tulad ng mga home grown industry natin na nagge – generate ng maraming trabaho sa ating bayan,” bahagi ng pahayag ni Magtubo sa panayam ng Veritas Patrol.

Sinang-ayunan naman ni Magtubo ang binabalak na paglalaan ng pondo ng Duterte administration lalo na sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura at manufacturing industry na makatutulong sa mga lokal na manggagawa sa kanayunan.

“Ang umuunlad sa atin services grown economy, mga turismo, infrastructure, na hindi naman nakaka – generate ng sapat na trabaho sa loob ng malaking bilang o populasyon ng ating labor force taon – taon. Tama yung proposal ng bagong administrasyon sa ngayon na dapat ponduhan hindi lamang ang infrastructure, tursimo kundi ang pagpapa – unlad ng agrikultura, manufacturing industry para magkaroon tayo ng generating na trabaho na maging sustainable dun sa paglaki naman ng bilang ng ating mga labor force sa bawat taon,” giit pa ni Magtubo sa Radyo Veritas.

Nadagdagan ng halos dalawang milyon ang bilang ng mga walang trabaho mula sa huling pag – aaral ng SWS sa ika – apat na quarter ng taong 2015 kumpara sa naitala ngayong unang quarter ng taong 2016.

Minsan nang nasambit ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang talumpati sa Vatican na ang problema ng kawalan ng trabaho ay dulot ng kasakiman sa kita at kawalang katarungan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 185,859 total reads

 185,859 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 214,487 total reads

 214,487 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 248,609 total reads

 248,609 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 305,013 total reads

 305,013 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 324,443 total reads

 324,443 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 430,528 total reads

 430,528 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top