Pakikiisa sa #RedWednesday, sagisag ng pananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total reads

Inihayag ni Puerto Princesa Bishop Socrates Messiona na ang pagsusuot ng pula at pakikiisa sa Red Wednesday Prayer Campaign ay simbolo ng pananampalataya.

Binigyang diin ng obispo na hindi ito pagsunod sa nauuso kundi nakaugat sa pananampalatayang kristiyano ang pagdiriwang kung saan ipinagdadasal ang mga nakaranas ng pang-uusig dahil sa pananampalataya.

“Ang pagsuot natin ng red ngayon, ay hindi nakikiuso lang o nakiki-t’shirt na pula kundi it’s a symbol of our Christian faith,” pagninilay ni Bishop Messiona.

Paliwanag ni Bishop Messiona na ito rin ang tamang pagkakataon upang ipagdasal ang bawat isa na pagtibayin ng panginoon ang pananampalataya at maging handa sa oras na makararanas ng pang-uusig at pangungutya.

Ang Red Wednesday Campaign na ginunita kahapon sa inisyatibo ng Aid To The Church In Need, isang Vatican Based Institution na tumututok sa mga inuusig na kristiyano sa buong mundo.

Sa ikatlong taong pakikiisa ng Pilipinas mahigit sa dalawang libong parokya, paaralan at mga institusyon ang nakiisa kabilang na ang Apostolic Vicariate of Puerto Princesa sa Palawan na nagpailaw ng pula sa mga simbahan makaraan ang pagdiriwang ng banal na misa.

Umaasa si Bishop Messiona na sakaling makaranas ng pang-uusig ang mga Filipino ay nakahanda itong manindigan at ipagtanggol ang pananampalataya.

“We pray na kung dumating ang oras na tayo rin ay makaranas ng pang-uusig, we will be willing to be a witness of our faith,” ayon pa sa obispo.

Batay sa tala ng Religious Freedom Report nitong 2018 nasa 300-milyong mga kristiyano sa buong mundo ang inuusig dahil sa pananampalataya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 13,184 total reads

 13,184 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 99,575 total reads

 99,575 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 136,948 total reads

 136,948 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 168,208 total reads

 168,208 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 240,407 total reads

 240,407 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top