Pagkakahirang ni Cardinal Tagle bilang “Red Pope”, karangalan sa mga Filipino.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 926 total reads

Inihayag ng pinuno ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino na karangalan sa mga Filipino ang pagkahirang ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle bilang Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, maituturing itong biyaya para sa Pilipinas sapagkat ipinagkatiwala ng Kanyang Kabanalan Francisco sa isang Filipino ang isa sa pinakamataas na posisyon sa Vatican.

“It is an immense blessing to our country, overflowing grace to His Eminence,” pahayag ni Bishop Santos.

Sinabi ng Obispo na magandang pagkakataon din ang pagtalaga ni Pope Francis kay Cardinal Tagle sa nalalapit na pagdiriwang ng ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa bansa.

Ang Pilipinas ang ikatlo sa may pinakamalaking populasyon ng mga Katoliko sa buong mundo kasunod ng Mexico at Brazil dahil binubuo ito ng mahigit sa 80 milyong Katoliko o katumbas sa halos 80 porsyento sa kabuuang populasyon.

Tiwala si Bishop Santos sa kakayahan ni Cardinal Tagle na pamunuan ang tanggapan ng Evangelization of Peoples’ dahil aktibo ito sa mga programang nagpapalaganap ng mabuting balita ng Panginoon.

“He makes us proud as Filipinos, and our country as beacon for new Evangelization,” ani ng Obispo.

Si Cardinal Tagle ang ikalawang Filipino na naitalaga sa pinakamataas na posisyon sa Vatican kasunod ng Bicolanong si Cardinal Jose Tomas Sanchez na naglingkod ng apat na dekada sa Vatican.

CARDINAL JOSE TOMAS SANCHEZ

Unang itinalaga si Cardinal Sanchez bilang Secretary ng Congregation for the Evangelization for Peoples noong 1985 habang naging Prefect of the Congregation for the Clergy noong 1991 hanggang magretiro noong 1996 makaraang maabot ang mandatory retirement age na 76 na taong gulang.

Bagamat nagretiro sa posisyon, nagsilbing Prefect Emeritus si Cardinal Sanchez sa Congregation for the Clergy hanggang namayapa noong Marso 2012 sa edad na 91 taong gulang sa ilalim ng pangangalaga ng Diocese ng Novaliches.

Hiling naman ni Cardinal Tagle sa mananampalataya ang patuloy na panalangin para sa panibagong misyon na kanyang kakaharapin sa isa sa pinakamataas na tanggapan ng Simbahang Katolika.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,153 total reads

 23,153 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,719 total reads

 59,719 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,989 total reads

 285,989 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,456 total reads

 179,456 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,261 total reads

 272,261 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top