Pangulo ng CBCP, hinimok ang mamamayan ng Mindanao na maging kalmado.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 356 total views

Hinimok ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mamamayan ng Mindanao na apektado ng lindol na manatiling kalmado sa kabila ng mga pagyanig.

Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, mahalagang iwasan ng mamamayan ang magpanik upang maisip ang mga gagawin para maging ligtas.

“Let us pray for calmness, not to panic,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Ang paalala ng arsobispo ay kasunod ng 6.9 magnitude na lindol na yumanig sa malaking bahagi ng Davao del Sur ganap na alas 2:11 nitong ika – 15 ng Disyembre.

Hinikayat din ni Archbishop Valles ang mamamayan na sundin ang mga natutuhan sa mga isinasagawang earthquake drills.

“Let us try our very best to follow the known ‘what to do’ steps when an earthquake occurs,” paalala ng Arsobispo.

Sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, apat ang nasawi sa panibagong lindol sa Mindanao makaraang nabagsakan ng gumuhong pader ng bahay at gumuhong establisimiyento.

Ayon sa Philvocs, naitala ang sentro ng lindol sa Padada Davao Del Sur kung saan ito ay may tectonic origin at may lalim na 30 kilometro.

Nauna nang hiniling ni Digos Bishop Guillermo Afable ang panalangin ng Santo Rosaryo bilang sandata sa panahong nahaharap sa banta ng sakuna ang mamamayan.

Read: Obispo ng Digos, nanawagan ng panalangin kasunod ng 6.9 na lindol sa Davao del Sur

Samantala, hiling ni Archbishop Valles ang kaligtasan ng bawat mananamapalatataya lalo’t nagsimula na ang mga Misa De Gallo o ang siyam na araw na paghahanda sa kapanganakan ng Panginoong Hesus.

“And let us pray to the Lord for everyone’s safety.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 195,739 total views

 195,739 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,962 total views

 225,962 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 252,607 total views

 252,607 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 347,580 total views

 347,580 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,927 total views

 355,927 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top