Pilipinas, maraming kakampi laban sa China

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,440 total reads

Umaasa ang grupong MARCHA o Movement & Alliance to Resist China’s Aggression na hindi tatagal ang China sa pressure ng malalaking bansa kaugnay ng desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA) na pumabor sa Pilipinas sa pinag-aagawang West Philippine Sea (dating South China Sea).

Ayon kay Roilo Golez, head ng MARCHA, sa simula pa lamang binabatikos na ng international community ang China dahil sa nine dash line claim nito na pasok sa exclusive economic zone ng ibat-ibang mga bansa gaya ng Pilipinas.

“Oo yan ang posisyon nila ngayon pero hanggang kailan nila mare-resist at mahaharap ang batikos ng international community, di pa naman lumalabas ang arbitral tribunal ruling na ito nananawagan na ang malalaking bansa na dapat igalang ng lahat ng parte ang desisyon ng arbitral tribunal lalo na ngayong lumabas ito. Sigurado katakot-takot na batikos at pressure ang kanilang tatanggapin, pero baka bukas, makalawa, next month next year hindi nila matitiis ang batikos na haharapin nila dito,” pahayag ni Golez sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, ayon kay Golez, hindi dapat mabahala ang Pilipinas sa China bagama’t una na itong nagsabing hindi susundin at hindi kinikilala ang anumang desisyon o ruling sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

“Ang daming tutulong sa atin dito, hindi tayo nag-iisa dito, US, EU, India, Japan, UN, G-7, at hindi lang tayo ang makikinabang dito dahil may iba pang bansa ang apektado ng 9 dash line ng China gaya ng Brunei, Malaysia, Vietnam, dahil pinapasok din ang kanilang economic zone ng China pati Indonesia ramdam na rin ang pressure dahil ang fishing vessel ng China pumapasok din, pero ngayon, itutulak sila palayo sa desisyon na ito na may dokumentong nagsasabing ang China ay walang karapatan na mag claim ng ganoong kalaki,” ayon pa kay Golez.

Sa desisyon ng arbitral tribunal, binabalewala nito ang nine dash line ng China, may karapatan ang mga mangingisda sa Pilipinas na mangisda sa Scarborough Shoal na inaangkin ng China at ang mischief reef ay itinuturing na bahagi ng exclusive economic zone ng Pilipinas at binatikos din ng tribunal ang pagsira ng China sa coral reef nang gumawa sila ng artificial islands na sinasabing dapat silang managot dahil ito ang pinakamalaking pinsala sa coral reef sa kasaysayan.

Ang West Philippine Sea ay may sukat na 3.5 milyong kuwadrado kilometro.

Una nang inihayag ni Justice Antonio Carpio na base sa kasaysayan hindi sakop ng China ang West Philippine Sea dahil malayo ito sa kanilang Exclusive Economic Zone kasabay ng pagsasabing kapag nawala ito sa bansa, apatnapung porsyento ng pinagkukunang-yaman ng Pilipinas ang mawawala, tulad na lamang ng mga isda, enerhiya at iba pa.

Una na ring inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na kinakailangan na ang yaman ng nasabing isla ay paghati-hatian ng mga maliliit na bansang nakapaligid dito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 3,314 total reads

 3,314 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 45,565 total reads

 45,565 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 152,441 total reads

 152,441 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 197,108 total reads

 197,108 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 219,215 total reads

 219,215 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 243,299 total reads

 243,299 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 374,887 total reads

 374,887 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top