Magpatawad at humingi ng tawad.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 695 total reads

February 26, 2020 2:21PM

Hinikayat ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mananampalataya na huwag mag-atubiling lumapit sa Panginoon sa kabila ng mga pagkukulang.

Sa pagninilay ng obispo sa misang pinangunahan sa Radio Veritas chapel nitong Miyerkules de Abo, binigyang diin nitong ang Diyos ay mahabagin at mapagpatawad kaya’t nakahanda itong tanggapin ang sinumang lumalapit maging ang mga makasalanan.

“Lumapit ka lang sa Diyos ikaw ay siguradong patatawarin,” pagninilay ni Bishop Gaa.

Iginiit ni Bishop Gaa na hindi kinakailangang magpakitang tao upang magpatawad kundi nararapat lamang pairalin ang kababaang loob tulad ng mga halimbawa ni Hesus.

Aniya, marahil natatakot lamang ang tao na lumapit sa Panginoon at humingi ng tawad bunsod ng mga paulit-ulit at malalaking pagkakasalang nagawa laban sa kapwa at sa Diyos.

Hinimok ng obispo ang mga dumalo sa banal na pagtitipon na gawing makabuluhan ang apatnapung araw na paghahanda sa muling pagkabuhay ni Hesus lalo’t ito ay nag-alay ng Kanyang buhay sa katubusan ng lahat ng mga kasalanan ng sanlibutan.

“Pinagdusahan Niya yung kasalanan natin pero pinagtagumpayan din n’ya ito’ kaya huwag tayong matakot sa inalok na bagong buhay pero kailangan nating tanggapin ang kamatayan sa kasalanan dahil doon lang tayo magkakaroon ng bagong buhay,” dagdag pa ng obispo.

Sinunod din ng Radio Veritas ang inilabas na panuntunan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines hinggil sa paglalagay ng abo na ibudbod lamang sa ulo bilang pag-iingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease 2019.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 41,554 total reads

 41,554 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 91,723 total reads

 91,723 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 139,594 total reads

 139,594 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 243,543 total reads

 243,543 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 327,518 total reads

 327,518 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top