COVID 19, malulupig ng sama-samang pagdarasal at pag-iingat.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

11:18AM

Hiniling ni Healing Priest Reverend Father Joey Faller sa mamamayan na paigtingin ang pananalangin laban sa kumakalat na corona virus disease kasabay ng ibayong pag-iingat.

Sa panayam ng Radio Veritas, binigyang diin ni Fr. Faller na higit kinakailangan ang sama-samang pagdarasal bilang mabisang panlaban sa anumang uri ng pagsubok na kakaharapin sa buhay.

“The most important of all is we need to pray intensely; as a community we need the power of intercession believing that God has a beautiful plan at kailangan tayo ay nakakapit sa kanya,” pahayag ni Fr. Faller sa Radio Veritas.

Paliwanag ng healing priest lahat ng suliranin ay may solusyon at maaring ang COVID 19 ay pagsubok lamang sa buong mundo na malulupig kung magkaisa ang mamamayan sa pag-iingat.

Inilarawan ng pari na sa kabila ng anunsyo ng Department of Health na may local transmission ng COVID 19, hndi pa rin natitinag ang mga deboto na nagtungo sa Kamay ni Hesus kung saan nitong Linggo ay nasa 40, 000 ang dumalo sa mga healing masses sa lugar.

Ayon kay Fr. Faller, ito ang wastong pagkakataon na higit lumapit ang tao sa Diyos upang hingin ang habag at awa.

Pinayuhan naman ng Pari ang mamamayan na pairalin ang mga panuntunan ng pag-iingat upang makaiwas sa pagkahawa.

“I think this is the time, the more we need to go to the church but just be on guard all the time and have the precaution,” saad ni Fr. Faller.

Batay sa tala ng Department of Health, sampu na ang nagpositibo sa COVID 19 sa Pilipinas habang mahigit sa isandaang libo na ang infected sa buong mundo partikular sa limampung mga bansa.

Dahil dito pinaalalahanan ni Fr. Faller ang mananampalataya na ugaliing magsuot ng face mask ang mga may karamdaman lalo na kung ubo at sipon, gumamit ng sabon sa paghuhugas ng kamay, magdala ng alcohol upang ma-sanitize ang sarili anumang oras, matulog at kumain sa wastong oras upang mapanatiling malusog ang pangangatawan para makaiwas sa COVID 19.

Tiniyak ng pari na nagpapatuloy ang mga gawain sa Kamay ni Hesus tulad ng mga healing mass subalit mahigpit ding ipinatutupad ang pag-iingat sa kalusugan ng mga deboto.

“Tuloy-tuloy pa rin ang mga gawain, maliban lamang mayroong protocol o guidelines from CBCP or the local bishop, we will abide the rules,” giit ni Fr. Faller.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 17,498 total reads

 17,498 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 54,528 total reads

 54,528 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 280,798 total reads

 280,798 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 174,265 total reads

 174,265 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 267,362 total reads

 267,362 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top