CBCP, tatalima sa payo ng mga eksperto sa COVID-19.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 533 total reads

March 13, 2020, 11:39AM

Tiniyak ng pamunuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na susundin ang payo ng mga eksperto sa pag-iwas sa corona virus disease 2019.

Ayon kay CBCP President, Davao Archbishop Romulo Valles, patuloy na nakipag-ugnayan ang mga Obispo sa pamahalaan upang magabayan sa pagpalabas ng mga panuntunang ipatutupad sa mga Simbahan sa buong bansa.

“We are closely listening to the directive of our government especially coming from the DOH. We are stating that we continue to cooperate whatever our civil authorities instructions, especially with their experts in the Department of Health,” pahayag ni Archbishop Valles sa Radio Veritas.

Nakipag-ugnayan si Archbishop Valles sa mga Obispo at sa permanent council ng C-B-C-P partikular kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio upang alamin ang sitwasyon sa National Capital Region kung saan nagmula ang karamihan sa higit 50 indibidwal na nagpositibo sa COVID 19.

Dahil dito nakatakdang magpalabas ng pahayag ang C-B-C-P ngayong araw na ito para sa karagdagang patnubay sa mga mananampalataya lalo’t nalalapit na ang mga Mahal na Araw.

“With the present situation now become very serious, we will comply with the directives and protocol and I am now in contact with many bishops and members of the permanent council of the CBCP and by late afternoon or evening we will going to issue a statement,” saad ni Valles sa Radio Veritas.

Nitong Huwebes, sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim sa community quarantine ang buong Metro Manila kung saan ipinagbabawal ang paglabas at pagpasok sa Metro Manila.

Una nang sinabi ng World Health Organization na pandemic nang maituturing ang COVID 19 subalit iginiit na kontroladong uri ng pandemic ito makaraang gumaling sa karamdaman ang halos pitumpong libong indibidwal na nagtataglay ng nasabing virus.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 24,605 total reads

 24,605 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 61,102 total reads

 61,102 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 287,372 total reads

 287,372 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 180,839 total reads

 180,839 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 273,567 total reads

 273,567 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top