Quiapo church, 24-oras na bukas sa mananampalataya.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,079 total reads

March 13, 2020, 4:01PM

Tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene na malinis ang buong paligid nito kabilang na ang loob ng Simbahan para sa kaligtasang pangkalusugan ng mananampalataya.

Ayon kay Reverend Father Douglas Badong, ang parochial vicar ng St. John the Baptist Parish o Quiapo Church, ito ay pagtugon upang makaiwas sa posibleng pagkalat ng virus lalo’t natutulog sa loob ng simbahan ang mga walang masisilungan na nasa paligid ng Basilica.

“Nagkaroon ng pag-disinfect sa loob at labas ng simbahan so ang paglilinis ay talagang masusing tinututukan,” pahayag ni Fr. Badong sa Radio Veritas.

Sinabi ng pari na mananatiling bukas ang simbahan 24-oras para sa mga taong nais magdasal at nangangailangan ng kalingang espiritwal ngunit mahigpit ipapatupad ang ibayong pag-iingat.

Hinimok ni Fr. Badong ang mga may karamdaman at senior citizen na kung maari ay huwag munang magtungo sa Quiapo Church sa halip ay tumutok na lamang sa isasagawang livestreaming ng mga misa sa facebook page ng simbahan upang makaiwas sa banta ng corona virus.

“Bukas pa rin 24/7 ang simbahan pero siyempre dobe at ibayong pag-iingat ang i-implement dito sa Quiapo church,” saad ng pari.

Bilang bahagi rin ng pag-iingat pansamantalang isinara ng pamunuan ng Basilica ang pahalik sa mga imahe ng santo.

Mungkahi naman ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pamunuan ng Quiapo na pansamantalang isapribado ang pagsasagawa ng misa ng simbahan upang maiwasan ang pagtitipon ng maraming tao batay na rin sa panawagan ng pamahalaan sa patnubay ng Department of Health.

Hiling nito sa bawat isa na makipagtulungan upang mapigilan ang pagkalat ng COVID 19 sa bansa na sa kasalukuyan ay nasa 52 na ang nagpositibo habang lima ang binawian ng buhay dulot ng komplikasyon

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 23,145 total reads

 23,145 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,712 total reads

 59,712 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,982 total reads

 285,982 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 179,449 total reads

 179,449 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 272,256 total reads

 272,256 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top