Monthly stipend ng Bataan Clergy, ilalaan sa mga apektado ng COVID-19.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 709 total reads

March 25, 2020, 10:10AM

Pansamantalang isantabi ng mga pari ng Diyosesis ng Balanga sa Bataan sa pangunguna ni Bishop Ruperto Santos ang pagtanggap ng kanilang buwanang allowance sa kapakinabangan ng lahat.

Sa pahayag ni Bishop Santos, ito ang napagkasunduan ng Bataan clergy bilang tugon sa krisis dulot ng pandemic corona virus disease na umaapekto sa buong mundo.

“With this present difficult and uncertain economic situations, we priests in the Diocese have decided to forego our monthly stipends or monthly allowances for the good and for benefits of her people and personnel,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Aniya, ang mga nakatakdang allowance sa buwan ng Marso, Abril at maging sa Mayo ay ilalaan para tulungan ang mamamayan na higit apektado sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon lalo na ang mga walang kinikita partikular ang mga manggagawa ng diyosesis at sa mga parokya.

Biniyang diin ni Bishop Santos na ang COVID 19 ay tunay na daan ng krus kung saan tulad ng pinagdaanan ni Hesus sa bawat pagbagsak ay ibabangon tayo ng Panginoon at may mga taong nakahandang umagapay sa bawat isa.

“Along our way of the cross there will be many Veronica and Simon of Cyrene to wipe our tears and carry our loads. Let us also be Veronica and Simon to others,” saad ni Bishop Santos.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID 19 sa bansa na umabot sa higit 500 katao ay mas hinihigpitan ang paglalabas ng mga tao upang tuluyang mapuksa ang virus na dahilan ng pagsasara ng maraming negosyo at kawalan ng trabaho.

Ang hakbang na ipinatutupad ng diyosesis ay pagpapakita ng tunay na simbahang lumilingap sa mga nangangailangan lalo ngayong panahon ng krisis.

“To forego our monthly stipends is to care for them and to thank them for their services; this is the Diocese of Balanga’s solidarity, our self giving to let them feel that our Church is always there for them,” giit ni Bishop Santos.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,502 total reads

 3,502 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,373 total reads

 10,373 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,774 total reads

 47,774 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,044 total reads

 274,044 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,511 total reads

 167,511 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,027 total reads

 261,027 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top