Huwag gawing publicity ang pagtulong sa kapwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 485 total views

April 5, 2020, 9:19AM

Nilinaw ni Reverend Father Nolan Que, Regional Trustee ng Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) na nanahan ang Diyos sa bawat isa sa kabila ng iba’t-ibang pagsubok na kinakaharap.

Sa pagninilay ni Fr. Que sa misang ginanap sa Radio Veritas chapel, iginiit nitong kapiling ng bawat mananampalataya ang Diyos kahit hindi personal na nakadadalo sa mga banal na pagdiriwang lalo ngayong Semana Santa.

“Tandaan natin hindi nawawala ang Diyos, hindi nang-iiwan ang Diyos araw-araw, in good times and bad times,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Que.

Inihayag nitong ang paggamit ng media at makabagong teknolohiya upang maihatid ang mga banal na pagdiriwang tulad ng mga misa ay sapat na upang tugunan ang pangangailangang espiritwal ng mga tao.

Ipinaliwanag ng Pari na bagamat hindi personal nakasalumuha ang mga lingkod ng simbahan at makatanggap ng banal na komunyon, tiniyak nito na ang kapangyarihan ng Diyos ay nanatiling lumulukob sa bawat tahanang nagkakaisa sa pagpupuri sa Panginoon.

“Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi pwedeng limitahan, ang pakikiisa sa banal na pagdiriwang gamit ang media ay pagpapakita ng malalim na pananampalataya,” ayon kay Fr. Que.

BAYANIHAN
Binigyang pansin din ng pari ang pag-iral ng bayanihan sa lipunan kung saan nagtutulungan ang bawat sektor sa kabila ng pagkakaiba ng paniniwala, tradisyon at pananaw.

Umaasa si Father Que na ang pagkilos ng bawat isa para matulungan ang kapwa ay hindi pakitang tao lamang kundi ito ang sagisag na pagbabagong dulot ng enhanced community quarantine dahil sa corona virus disease.

“Sana hindi lamang publicity ang pagtulong, bagkus itong ginagawa na pagtulong ay ang pagbabago na dulot ng COVID 19; good things can come out, out of the threat of COVID,” dagdag pa ng pari.

Isang halimbawa dito ang pakikipag-ugnayan ng mga negosyante sa simbahang katolika sa pamamagitan ng Caritas Manila kung saan nakalikom ng mahigit isang bilyong pisong halaga ng mga gift certificate na ipamamahagi sa isang milyong maralita sa Metro Manila at karatig lalawigan sa pamamagitan ng Project Ugnayan.

Tiwala si Fr. Que na patuloy na ihayag ng bawat isa ang pakikipagkapwa at damayan upang higit na maipalaganap ang dakilang pag-ibig ng Panginoon sa pamayanan.

“Nawa’y gumalaw tayo katulad ng pagkilos ng Diyos,” giit ni Fr. Que.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 52,077 total views

 52,077 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 80,082 total views

 80,082 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 97,882 total views

 97,882 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 95,592 total views

 95,592 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 204,114 total views

 204,114 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top