Mananampalataya hinimok na italaga sa pangangalaga ng birheng Maria ang Pilipinas na dumaranas ng COVID 19 pandemic

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 346 total views

May 15, 2020, 9:28AM

Pinaalalahanan ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na hindi nababago ngunit nananatili ang mensahe ng Mahal na Birhen sa bawat isa, ang taimtim na pananalangin upang maging ligtas sa anumang krisis, digmaan o pagsubok sa buhay.

Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng Banal na Misa sa paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Fatima noong ika – 13 ng Mayo kasabay ng pagtatalaga ng buong Pilipinas sa pangangalaga ng Kalinis-linisang puso ni Maria.

Ayon kay Bishop Pabillo, sa pagpakita ng Mahal na Ina bukod tanging pagdarasal lamang ng Santo Rosaryo ang ibinigay na sandata upang labanan ang salot, digmaan at iba pang karahasan sa sanlibutan.

“Subukan natin ang solusyon ng Mahal na Ina; Mama Mary gave the solution, not a vaccine but the weapon to fight evil; prayer, especially the praying of the rosary, penance, conversion and a change of life,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Pabillo.

Hinimok ng obispo ang bawat mananampalataya na magdasal ng sama-sama partikular ng Santo Rosaryo sa mga tahanan lalo’t mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan ang stay at home policy sa umiiral na enhanced community quarantine.

Giit ni Bishop Pabillo na pagbabagong buhay din ang hamon sa bawat Filipino sa ginanap na pagtatalaga ng Pilipinas sa pangangalaga ng Mahal na Ina kasabay ng ika – 103 anibersaryo ng pagpakita ng Mahal na Birhen sa tatlong bata sa Cova da Iria, Fatima Portugal noong 1917.

Umaasa sa tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila na sa pagwawakas ng quarantine ay matutunghayan ng Panginoon ang bagong buhay ng mamamayan at mas matibay na pananalig sa Diyos.

“Sana paglabas natin sa ating mga tahanan pagkatapos n quarantine, lumabas tayo na may pagbabago sa pananaw, pananampalataya, pakikiisa sa kapwa at higit sa lahat ang pananamapataya sa Diyos,” ayon ni Bishop Pabillo.

PAMAHALAAN AT SIMBAHAN

Pinasalamatan ni Bishop Pabillo sa ginanap na pagtatalaga ng Arkidiyosesis ng Maynila sa Kalinis-linisang puso ni Maria ang pagdalo at pakikiisa ng limang alkalde sa mga nasasakupang lungsod.

Paliwanag ni Bishop Pabillo magandang indikasyon ang pagkakaisa ng dalawang institusyon sa pananalangin at paghingi ng tulong sa Mahal na Ina upang matapos na ang pandemyang kinakaharap ng mamamayan dulot ng nakamamatay na corona virus na nakahawa sa mahigit apat na milyong indibidwal sa buong daigdig kabilang na ang higit 11 libong Filipino.

Kabilang sa mga dumalo sina Manila Mayor Francisco Domagoso, San Juan Mayor Frnacisco Zamora, Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos, Makati Mayor Abigail Binay at Pasay Mayor Imelda Calito – Rubiano.

Bago matapos ang banal na pagdiriwang isinagawa ang pagtatalaga kung saan nag-alay ng panalangin ang mga alkalde at naghandog ng bulaklak sa imahe ng Mahal na Birhen ng Fatima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,334 total views

 14,334 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,339 total views

 36,339 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 60,681 total views

 60,681 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 84,649 total views

 84,649 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,386 total views

 119,386 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top