Pagtaguyod ng Katotohanan, mensahe ng Pentecost

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 688 total reads

May 29, 2020, 3:02PM

Pinaalalahanan ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang mananampalataya na ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes ay isang paanyaya sa bawat isa na itaguyod ang katotohanan tulad ng ginagawa ng simbahang katolika.

Sa panayam ng Radio Veritas, binigyang diin ng arsobispo na dahil sa paninindigan sa katotohan ay madalas tinutuligsa ang simbahan.

Sinabi ng Archbishop Jumoad na ang pagdiriwang ay paanyaya sa lahat na mahalagang manindigan sa katotohanan at ibahagi ito sa lipunan sapagkat ito ang kaloob ng Panginoon sa lahat nang puspusin ang bawat isa ng Espiritu Santo.

“The Pentecost Sunday is the feast of the outpouring of the Holy Spirit; the faithful are gifted with the spirit of truth and so we are being reminded that we have always to stand for truth and to tell the truth and this is the guidance of the Holy Spirit,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Iginiit ni Archbishop Jumoad na dapat patuloy na ipalaganap ng mananampalataya ang katotohanang dala ni Kristo nang ito ay muling nabuhay at umakyat sa langit; ang kaligtasang dulot nang mapagtagumpayan ang kadiliman ng kasalanan at kasamaan ng sanlibutan.

Ipinaalala ng arsobispo na mahalagang kilalanin ang Espiritu Santo na nagpapalakas sa tao upang ihayag ang katotohanan sa sanlibutan.

“Oftentimes the church is being castigated beacuse of telling the truth; the feast of Pentecost reminds all of us the coming down of the holy spirit in order to strengthen us,” giit ni Archbishop Jumoad.

Biyaya rin na maituturing na kasabay ng pagdiriwang ng Pentekostes ang unti-unting pagbubukas ng mga simbahan makaraan ang halos tatlong buwan na pagsasara bunsod ng pagpairal ng enhanced community quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot ng pandemic corona virus.

Sa Ozamiz, muli nang binuksan ang mga simbahan sa publiko ngunit inihayag ni Archbishop Jumoad kakaunti pa lamang ang mga dumadalo sa misa marahil dala ng pangamba na mahawaan ng virus lalo’t wala pang nadiskubreng bakuna para dito.

Subalit paliwanag ng arsobispo dapat maging matatag ang mananampalataya at iwasan ang pangamba sapagkat pinalalakas ang bawat isa ng Espiritu Santo na kaloob ng Panginoon.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 549 total reads

 549 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 5,208 total reads

 5,208 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 43,258 total reads

 43,258 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 269,529 total reads

 269,529 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 162,995 total reads

 162,995 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 256,750 total reads

 256,750 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top