Ipagbunyi ang kalayaan sa pagpahayag ng saloobin, panawagan ng Obispo sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 674 total reads

June 11, 2020, 1:22PM

Hinimok ng obispo ng Military Ordinariate of the Philippines ang mga Filipino na ipagpatuloy ang mga magandang sinimulan ng mga ninuno sa pagkakamit ng kalayaan.

Sa mensahe ni Bishop Oscar Jaime Florencio sa ika – 122 Araw ng Kalayaan, binigyang diin nitong mahalagang pagyabungin ng mga Filipino ang tinatamong kasarinlan para sa kapakanan ng mga susunod na henerasyon.

“As we thank the Lord and then people who made possible the freedom we deserve and enjoy, we need to think and do something coming from us who are enjoying the fruits of the labors of the forefathers. Let us not be contented with what we have now, just as our forefathers thought of us for that reason they did their best, we too must think of the future generations who will follow us,” pahayag ni Bishop Florencio sa Radio Veritas.

Aniya, dapat pasasalamatan ang Diyos sa biyaya ng kalayaan na tinatamo ng mga Filipino at gunitain ang mga yumaong mga ninuno na nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga dayuhang mananakop.

Kakaiba ang pamamaraan ng paggunita sa Araw ng Kalayaan ngayong taon sapagkat karamihan sa mga inihandang programa ay isasagawa online dahil na rin sa patuloy na umiiral na community quarantine kung saan ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon upang makaiwas sa banta ng corona virus.

Tema sa pagdiriwang ngayong taon ang “Kalayaan 2020: Tungo sa Bansang Malaya, Nagtutulungan, at Ligtas; isang pamamaraan din ng pagkilala at pagbibigay pugay sa mga Filipino at Filipino-American medical/non-medical frontliners na sumuong sa panganib upang paglingkuran ang kapwa.

Batay sa kasaysayan lumaya ang Pilipinas noong ika – 12 ng Hunyo 1898 makalipas ang apat na dekadang pananakop ng mga Espanyol.

Sinabi pa ni Bishop Florencio na dapat ipagbunyi ang malayang pamayanan na nakapaghahayag ng mga saloobin.

“It’s a greatness of our being to acknowledge people who have made things possible for us, enjoying our freedom and being able to express and manifest without being curtailed by anyone,” dagdag ni Bishop Florencio.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 85,841 total reads

 85,841 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 179,884 total reads

 179,884 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 224,152 total reads

 224,152 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 247,261 total reads

 247,261 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 318,531 total reads

 318,531 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top