Paniniil sa kalayaan ng mga Filipino, hindi na dapat maulit

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 706 total reads

June 12, 2020-5:18pm

Hindi na dapat pang maulit ang kasaysayan nang paniniil ng kalayaan ng mga Filipino.

Ito ang nagkakaisang pahayag ng mga Pari mula sa Bikaryato ng San Pedro at San Pablo Apostol ng sa Arkidiyosesis ng Maynila bilang pagsang-ayon sa iba’t ibang grupo at indibidwal na tumututol sa pagsasabatas ng Anti-terror bill.

“Mula sa ating kasaysayan makikita ang mga paglabag sa pagpapatupad ng mga batas nang mga nasa katungkulan. Ating suriin ang mga pangyayari sa ating nakaraan upang makita ang mga nasabing paglabag. Sapagkat ang demokrasya ay nangangailangan ng kamalayan,” ayon sa inilabas na pahayag na may petsang ika-9 ng Hunyo.

Ang bikaryato ay binubuo ng 17 kura paroko ng nasasakop na simbahan na pinamumunuan ni Msgr. Gerardo Santos-vicariate representative at parish Priest ng Sts. Peter and Paul.

Ayon pa sa pahayag ng mga pari, hindi napapanahon ang pagpasa ng batas lalu’t may mas higit na suliranin na kinakaharap ang bansa sa krisis na dulot ng pandemic novel coronavirus.

Ilan pa sa mga kadahilanan ng pagtutol ang hindi malinaw na probisyon na kinakailangan pa ng paglilinaw dahil sa maaring magamit sa pagmamalabis sa karapatang pantao.

Panawagan din ng mga pari sa pamahalaan na pakinggan ang panawagan ng publiko.

“Aming ipinagdarasal at ipinararating sa pamahalaan na bigyang tuon ang tumitinding panawagan ng publiko na huwag pahintulutang isuong ang bill na ito at nawa’y makagawa ng batas na tunay na magbibigay proteksyon at hindi ang paglala ng terorismo sa ating lipunan.”

Una na ring naglabas ng pahayag ang ilang institusyon at samahan ng simbahang Katolika sa pagtutol sa Anti-terror bill na una na ring pumasa sa kongreso at sinertipikahang urgent ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang dito ang Association of Major Religious Superiors of the Philippines, Catholic Educational Association of the Philippines, Church’s Workers Solidarity, Caritas Philippines at ilang Obispo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines kabilang na si Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 13,424 total reads

 13,424 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,560 total reads

 14,560 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 29,702 total reads

 29,702 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 67,079 total reads

 67,079 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 98,349 total reads

 98,349 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 173,703 total reads

 173,703 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 266,490 total reads

 266,490 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 14,561 total reads

 14,561 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top