Dinaranas na mental depression ng mga estudyante, ikinalulungkot ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 961 total reads

June 21, 2020, 2:13PM

Ikinalungkot ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang naiulat na pagpatiwakal ng hindi pinangalanang estudyante ng high school dulot ng kahirapan at pangamba sa panibagong pamamaraan ng pag-aaral na bahagi ng new normal.

Ayon kay San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, labis ang epekto na idinudulot ng COVID-19 pandemic lalo na sa mahihirap partikular sa mga mag-aaral na sasailalim sa online classes na dagdag gastusin sa mga magulang.

Ipinaliwanag ng Obispo na bagamat mahirap unawain ay binigyang diin nitong lahat ng suliranin at pagsubok sa buhay ay may solusyon.

“Mahirap tarukin ang mga suliranin na dulot ng COVID-19, marami ang naapektuhan; ang damdamin na nadarama dahil sa kakulangan ng gamit sa pag-aaral lalo sa panahon ngayon na walang pagkakakitaan subalit lahat ng suliraning dumadating sa buhay natin ay may paraan at kalutasan,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas.

Batay sa ulat nagpatiwakal ang 19-anyos na estudyante sa lalawigan ng Albay dahil sa pangambang hindi makabibili ang mga magulang ng mga gamit para sa nalalapit na pagsisimula ng online classes dala ng kahirapan.
Dahil dito nagpaabot ng pakikiramay at pakikiisa si Bishop Mallari sa pamilyang naulila ng biktima at dalangin ang katatagan sa gitna ng pagsubok na hinaharap.

“Karamay ninyo kami [simbahan] sa inyong pagdadalamhati at taus-puso ang aking pagasa sa Diyos sa kanyang awang walang hanggan para sa ating lahat,” dagdag ni Bishop Mallari.

Magugunitang suportado ng Catholic Education Ministry ng CBCP ang pagbubukas ng klase sa Agosto sapagkat malaki ang maitutulong nito sa kabataan partikular sa pag-iisip o mental health lalo’t dumarami ang kaso ng depresyon mula nang ipatupad ang mahigpit na panuntunan ng community quarantine sa bansa.

Sinabi rin ng Department of Education na bukod sa online learning ay mamahagi rin ng modules ang ibang eskwelahan para sa mga batang walang kakayahan sa online classes partikular sa kanayunan na hindi abot ng signal ng internet, radyo at telebisyon.

Patuloy na nanawagan ng pagkakaisa ang simbahang katolika sa bawat mamamayan upang matulungan ang mga nakararanas ng depresyon dulot ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 37,385 total reads

 37,385 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 68,656 total reads

 68,656 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 146,230 total reads

 146,230 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 240,458 total reads

 240,458 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 299,541 total reads

 299,541 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top