Archdiocese ng Davao, may bagong panuntunan sa pag-iral ng MGCQ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 687 total reads

July 2, 2020-12:45pm

Naglabas ng bagong panuntunan ang Archdiocese ng Davao kaugnay sa mga gawaing pangsimbahan sa Davao City sa pag-iral ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).

Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles, bagamat maari nang magsagawa ng misa sa mga parokya ay limitado pa rin ang mga pagkilos bilang pag-iingat mula sa nakakahawang sakit.

Sa kautusan ng arsobispo, magkakaroon ng misa sa mga parokya mula Lunes hanggang Sabado habang pansamantala pa ring ipinagbabawal ang misa ng Linggo sang-ayon na rin sa inilabas na panuntunan ng Davao City.

“Public Masses are already allowed, beginning July 1, 2020 from Monday to Saturday only. Sunday Masses with the people are still prohibited because the Food and Medicine Pass (FM Pass) does not allowed the movement of people during Sundays,” bahagi ng liham circular ni Archbishop Valles.

Pinaalalahanan rin ng arsobispo ang mga pari at mananampalataya na sa ilalim ng MGCQ pinahihintulutan lamang ng pamahalaan sa pamamagitan ng Inter Agency Task Force ang 50-porsiyento sa kabuuang kapasidad ng simbahan ang maaring dumalodadalo sa kabuuang kapasidad ng simbahan at mahigpit na sundin ang mga marka na maaring puwestuhan ng mga tao sa loob ng simbahan.

Nilinaw din ni Archbishop Valles na pinapayagan ang pagdiriwang ng anticipated Sunday Mass sa lahat ng misa sa gabi mula Miyerkules hanggang Biyernes, habang sa Sabado naman ayu maari itong pagdiwang anumang oras sa hapon.

Bagamat pinahintulutan ng lokal na pamahalaan ang pagsasagawa ng ilang religious gatherings tulad ng kasal at binyag sa limitadong bilang lamang ng mga dadalo, pinaiiral pa rin ng arkidiyosesis ang pagbabawal nito sa kasalukuyan upang matiyak ang kalusugan ng mga kawani ng simbahan at mga dadalo sa pagtitipon.

“It is important that we in the Archdiocese should cooperate with the Civil Authority who has the obligation to protect the welfare of the people, especially in this most trying time of the pandemic,” dagdag ng arsobispo.

Batay sa tala ng Department of Health-Davao sa buong rehiyon may 529 na kaso ng COVID-19 kung saan sa naturang bilang Davao City ang nangunguna na may pinakamaraming kaso na naitala sa 411 indibidwal.

Patuloy hinimok ng simbahang katolika ang mananampalataya ng maigting na pananalangin sa Diyos upang mawakasan na ang paglaganap ng corona virus at mahanapan na ito ng lunas para mabawasan ang pangamba at paghihirap ng mamamayan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 14,569 total reads

 14,569 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 159,119 total reads

 159,119 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 193,796 total reads

 193,796 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 210,863 total reads

 210,863 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 247,350 total reads

 247,350 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 256,324 total reads

 256,324 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top