Mayor Isko, pinasalamatan ng Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 710 total reads

July 8, 2020, 10:16AM

Nagpasalamat si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa pakikiisa sa muling pagbubukas ng mga simbahan sa mas maraming bilang ng mananampalataya.

Ito ay kasunod ng sulat na ipinadala ni Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso sa arkidiyosesis kung saan suportado nito ang pagpayag ng Inter Agency Tasks Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na 10-porsiyento ng kapasidad ng simbahan ang maaring makadalo sa church services.

Isinasaad sa liham ng alkalde na dapat mahigpit na sundin ng simbahan ang mga safety health protocols na ipinatutupad upang maiwasan ang pagkahawa sa corona virus disease.

“Please consider this writing as the city’s expression of non-objection to your religious gatherings provided that all the requirements and conditions set forth in the aforequoted provision are duly observed and complied with,” bahagi ng liham ni Mayor Domagoso kay Bishop Pabillo.

Naunang pinasalamatan at pinuri ni Bishop Pabillo ang I-A-T-F nang pahintulutan ang sampung porsyentong kapasidad sa mga simbahan na nasa lugar ng General Community Quarantine kabilang na ang National Capital Region mula sa dating 10-katao lamang.

Binigyang diin ng obispo na nakahanda na ang mga pari sa buong arkdiyosesis upang tumanggap ng mas maraming bilang ng mananampalataya sa mga parokya kasabay ng pagpapatupad ng mga safety protocols tulad ng physical distancing, paglalagay ng foot bath at alcohol sa mga simbahan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na naaangkop ang bagong panuntunan ng I-A-T-F at go signal ni Mayor Isko sa mga mananampalataya na nais dumalo sa mga banal na pagdiriwang araw-araw lalo na sa Linggo.

Ipatutupad ang sampung porsyentong kapasidad sa mga simbahan sa ika – 10 ng Hulyo base sa anunsiyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 14,687 total reads

 14,687 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 159,278 total reads

 159,278 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 193,955 total reads

 193,955 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 211,003 total reads

 211,003 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 247,490 total reads

 247,490 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 256,453 total reads

 256,453 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top