Bishop Pabillo, humiling ng dasal sa mabilis na pagbangon ng Sto. Niño de Pandacan.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 662 total reads

Hinimok ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang bawat isa na ipanalangin ang mabilis na pagbangon ng Santo Niño de Pandacan Parish na nasunog pasado ala-una ng hapon ng Biyernes, ika-10 ng Hulyo.

Bagamat nasunog ang ilang bahagi ng Simbahan, ipinagpapasalamat naman ng Obispo na walang sinuman ang nasaktan at walang mga bahay ng mga residente ang nadamay sa naganap na sunog.

Ibinahagi rin ni Bishop Pabillo ang kanyang personal na pagbisita sa parokya upang makita ang pagkasirang naidulot ng sunog sa Simbahan.

“Ipagdasal natin na sana itong parokya ay makabangon kaagad, mabuti na wala namang nasaktan, wala namang ibang bahay na tinamaan pero yun nga malaki siguro ang damage ng Simbahan kaya titingnan ko ngayon kung papaano ngayon yun”.pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam sa Radio Veritas.

Batay sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection ng National Capital Region (BFP-NCR) umabot sa ikatlong alarma ang antas ng sunog sa Simbahan na naapula pasado alas-dos ng hapon.

Inaasahan naman ang pagsasagawa ng imbestigasyon upang alamin kung saan nagsimula ang pagkalat apoy at kung gaano kalawak ang pinsalang idinulot nito.

Ang imahen ng Sto. Niño de Pandacan ay pinaniniwalaang higit 400-taon na at mapaghimala ng mga deboto.

IN PHOTOS: Kalagayan sa Sto. Nino Parish sa Pandancan matapos maapula ang sunog. Patuloy nating ipanalangin ang kaligtasan ng mga pari at kawani ng simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 66,858 total reads

 66,858 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 111,534 total reads

 111,534 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 133,736 total reads

 133,736 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 170,227 total reads

 170,227 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 386,864 total reads

 386,864 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top