Good Samaritan’s, inaanyayahan na makibahagi sa YSLEP special telethon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 548 total reads

July 13, 2020, 11:19AM

Paiigtingin ng Caritas Manila ang pagtugon sa kahirapan sa bansa lalo na ngayong nahaharap sa krisis na dulot ng corona virus pandemic.

Bukod sa pagtugon ng social arm ng Archdiocese of Manila sa pangangailangan ng mahihirap na apektado ng pandemya, muling palalakasin ng institution ang edukasyon na isang mahalagang susi upang tuluyang makaahon sa kahirapan ang mamamayan.

Dahil dito, inaanyayahan ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, Executive Director ng Caritas Manila ang mamamayan na suportahan ang isasagawang telethon para pondohan ang programang pang edukasyon ng simbahang katolika.

“Nawa ating tangkilikin ang [Youth Servant Leadership and Education Program] YSLEP ng Caritas Manila; magkakaroon po ng special telethon upang makalikom ng pondo para sa mga kabataan na ating pinag-aaral,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

Iginiit ng pari na isa ang edukasyon sa pinakahamahalagang sangkap upang makaahon sa kahirapan ang bawat mamamayan kaya’t nararapat lamang ito bigyang pansin.

Pagbabahagi ni Fr. Pascual na tinatayang nasa 4, 300 ang bilang ng mga scholar sa buong Pilipinas na kinabibilangan hindi lamang ng mga katoliko kundi maging ng mga Muslim at katutubo.

“Kung gusto natin makaahon sa kahirapan mag-aral tayo; sapagkat naniniwala tayong education is the great social equalizer,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

Gaganapin ang YSLEP special telethon sa ika – 16 ng Hulyo na mapakikinggan sa Radio Veritas 846 mula ikaanim ng umaga hanggang ikaanim ng gabi at matutunghayan sa Veritas846.ph Facebook page.

Sa mga nais magbahagi ng kanilang financial assistance sa mga scholar ng Caritas Manila, maari lamang tumawag sa 8925-7931 hanggang 39 o mag-text sa 09188374827 o 0918-VERITAS.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 4,930 total reads

 4,930 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 42,310 total reads

 42,310 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 73,581 total reads

 73,581 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 150,810 total reads

 150,810 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 244,778 total reads

 244,778 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top