Humingi ng kapatawaran sa panginoon- Obispo kay Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 627 total reads

July 27, 2020, 10:36AM

Nais ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang tunay na kalagayan ng bansa at mga hakbang upang maresolba ang suliraning dulot ng corona virus disease.

Sa mensahe ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Potificio Collegio Filipino, binigyang diin nitong ang COVID-19 pandemic ang tunay na kalaban na dapat pagtuunan nang pansin ng pamahalaan na labis ang epekto sa mamamayan.

“Our main problem is Covid19 pandemic. Our number one enemy is this Coronavirus. This is should be the focus of SONA, as to give us clear, true situation Covid19 in our country; and then concrete and concise plans to address this pandemic and for the economic recovery,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Umaasa ang obispo na talakayin ng Pangulong Duterte ang mahahalagang usapin sa bansa na kapaki-pakinabang sa mamamayan lalo’t higit sa mahihirap na sektor na lubos na apektado ng COVID-19 pandemic.

Bukod dito sinabi rin ni Bishop Santos na dapat humingi ng kapatawaran sa Diyos ang punong ehekutibo makaraang ihayag nito sa publiko na bukod tanging habag at awa ng Diyos ang makatutulong na mawakasan ang paglaganap ng nakamamatay na virus.

“As the president acknowledges the need for God and His power and providence to country, because as he said ‘we are Christians’ so be sorry of insulting God and profess that religion is essential need of our people,” dagdag pa ni Bishop Santos.

Naunang sinabi ng iba’t-ibang grupo kabilang na ang simbahang katolika na sana’y ihayag ng pangulo ang tunay na estado ng bansa sa pagharap sa krisis na dulot ng pandemya.

Sa pinakahuling ulat ng Department of Health umabot na sa mahigit 80, 000 ang bilang ng mga nahawaan ng corona virus sa bansa sa kabila ng pagpapatupad ng quarantine sa buong bansa.

Ayon pa kay Bishop Santos, nawa’y ituring ng pamahalaan ang simbahan na katuwang sa paglilingkod sa mamamayan at nasa iisang hangarin para sa kabutihang panlahat.

“Church and State are partners for the common good of the people; accept that the Church is not enemy but as conscience of country telling her what is wrong and right, good or bad,” saad ng opisyal.

Read: https://www.veritas846.ph/panawagan-kay-pangulong-duterte-pakinggan-ang-hinaing-ng-mga-filipino/
https://www.veritas846.ph/humble-president-duterte-nais-makita-ng-sambayanang-filipino-sa-sona/
https://www.veritas846.ph/action-plan-ng-pangulong-duterte-sa-covid-19-pandemic-nais-marinig-ng-obispo-sa-sona/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 35,827 total reads

 35,827 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 58,026 total reads

 58,026 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 94,526 total reads

 94,526 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 315,153 total reads

 315,153 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 347,706 total reads

 347,706 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top