CHR, nangangamba sa pagiging biktima ng mga Filipino sa Human Trafficking dahil sa krisis dulot ng COVID-19

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 574 total views

Nagpahayag ng pangamba ang Commission on Human Rights sa epekto ng kasalukuyang krisis na dulot ng COVID-19 pandemic sa pagiging lantad ng mga Filipino sa human trafficking sa lipunan.

Ito ang ibinahagi ni CHR Spokesperson Atty Jacqueline de Guia sa paggunita ng World Day Against Trafficking in Persons ngayong ika-30 ng Hulyo.

Ayon kay De Guia, dahil sa kawalan ng pag-asa sa sitwasyon ng bansa mula sa pandemya ay mas lantad ang mga mahihirap na maging biktima ng mapagsamantalabg human traffickers.

“Human trafficking is a reprehensible crime that preys on the most vulnerable and thrives during uncertain times. The Covid-19 pandemic exacerbated the plight of many vulnerable Filipinos as traffickers see this as an opportune time to exploit their desperation.” pahayag ni de Guia.

Tnukoy ni De Guia ang pagtaas ng kaso ng cybersex trafficking at online sexual exploitation ng mga bata sa gitna ng COVID-19 pandemic kung saan maraming pamilya ang nawalan ng hanapbuhay at mapagkakakitaan.

“The community quarantine, which necessitated the closure of major economic sectors, has resulted in loss of livelihood of Filipinos—with many more sinking deeper to extreme poverty as businesses continue to close and employees are forced to be laid-off. The desperate situation, coupled with confinement at home, has led to the increase in cybersex trafficking and online sexual exploitation of children (OSEC)…” Dagdag ni de Guia.

Naunang tinukoy ng United Nations Children’s Fund (Unicef) ang Pilipinas bilang “global epicenter of the live-stream sexual abuse trade” kung saan isa sa bawat limang batang Filipino ang lantad sa online sexual exploitation.

Patuloy namang umaapela ang Kanyang Kabanalan Francisco sa bawat mananampalataya at iba’t ibang mga institusyon na magsanib pwersa upang malabanan ang patuloy na suliranin ng human trafficking at maprotektahan at matulungan ang mga biktima nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 23,622 total views

 23,622 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 45,627 total views

 45,627 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 69,969 total views

 69,969 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 93,720 total views

 93,720 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 127,740 total views

 127,740 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top