Pangulong Duterte, “out of touch”!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 612 total views

July 29, 2020, 3:00PM

Inihayag ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila na taliwas ang mga inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-uulat sa bayan sa panawagan ng mamamayan.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, hindi natugunan ng punong ehekutibo ang pangangailangan ng mga Filipino lalo na’t nahaharap sa matinding krisis ang bansa bunsod ng corona virus pandemic.

Dismayado ang obispo sapagkat walang malinaw na tugon ang pinuno ng bansa sa paglutas sa mga suliraning kinakaharap ng mamamayan tulad ng kawalan ng trabaho, kagutuman, at maging ang mass testing.

“He is out of touch; ang mga sinusulong niya ay salungat sa hinihingi ng tao,’ pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Bagamat nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA ang usapin ng COVID-19 pandemic, bigo itong ilahad sa publiko ang mga konkretong hakbang ng pamahalaan para matulungan ang mamamayan sa epekto ng pandemya lalo’t higit ang humihinang ekonomiya ng bansa.

Sa halip na tutukan ang kasalukuyang krisis, binibigyang pansin ng pangulo ang iba pang usapin tulad na lamang ng pagbuhay sa parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection para sa mga mahuhuling lalabag sa Dangerous Drug Act of 2002.

“This is another issue that we have fight against,” giit ni Bishop Pabillo.

Unang sinabi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na bigo ang Pangulong Duterte na pagkaisahin ang mamamayang Filipino sa kanyang SONA para sama-samang babangon mula sa epekto ng pandemya.

Muling iginiit ng simbahang katolika ang paninindigan laban sa death penalty sapagkat ito ay nakalalabag sa utos ng Panginoon at pagpapakita ng kawalan ng paggalang sa karapatang mabuhay ng isang tao.

Read: https://www.veritas846.ph/pangulong-duterte-sinayang-ang-oras-sa-sona/
https://www.veritas846.ph/humble-president-duterte-nais-makita-ng-sambayanang-filipino-sa-sona/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 23,618 total views

 23,618 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 45,623 total views

 45,623 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 69,965 total views

 69,965 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 93,716 total views

 93,716 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 127,736 total views

 127,736 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top