Action plan kontra climate change, tutukuyin sa environmental summit sa Davao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 601 total reads

Inaasahang matutugunan ang malaking problema ng Pilipinas sa climate change sa isinasagawang Department of Environment and Natural Resources Environmental Summit sa Ateneo de Davao University na may temang “State Of Mindanao Environment Day with Sec. Gina” o SOMEday with secretary Gina na nagsimula ngayong araw.

Dumalo sa summit ang mga kasapi ng komunidad at mga grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa patungkol sa mga suliranin ng kapaligiran tulad ng laganap na pagmimina at mga pasilidad ng coal fired power plants.

Iginiit ni Rodney Galicha ng Aksyon Klima ang kahalagahan ng pagtitipon na inaasahang tutugon sa suliranin ng bansa sa climate change.

“Itong environmental summit na ito sa ating bansa, ito’y unang pangyayari, first of its kind at ito’y gagawin sa mga rehiyon lalong-lalo na sa Luzon, Visayas, at Mindanao. Napaka halaga nito dahil, ito’y isang malaking pagtitipon ng mga lider ng iba’t-ibang pamayanan, indigenous people, sa mga apektado ng problemang pang-kalikasan tulad ng pagmimina at iba pa, at ito’y pag-uusapan ang mga problemang ito na direktang kasama ang mga ahensya ng gobyerno lalong lalo na ang DENR,”pahayag ni Galicha.

Ayon kay Galicha, isang napaka-gandang oportunidad na direktang makapanayam ang mga matataas na pinuno ng pamahalaan at maipahayag dito ang mga problemang kinakaharap ng maliliit na pamayanan.

Hinimok naman ni Galicha ang mga kabataan na bagamat hindi makadadalo sa Environmental Summit ay patuloy paring makilahok sa pamamagitan ng pag-tweet gamit ang hashtags na #OyaMindanaw at #GinaIsComing.

Mahigit sa 4,000 delegado ang lalahok sa kauna-unahang environmental Summit na inorganisa ng DENR at Ateneo de Davao University.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAHIYA NAMAN KAYO

 70,194 total reads

 70,194 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 156,693 total reads

 156,693 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 199,728 total reads

 199,728 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 249,487 total reads

 249,487 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 407,291 total reads

 407,291 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 23,508 total reads

 23,508 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 53,152 total reads

 53,152 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 45,996 total reads

 45,996 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top